Jan 31, 2013

Balikong Pananagalog

Ang aking asawa ay hindi pa din marunong magtagalog ng direcho hanggang ngayon. Minsan tuloy iniisip ko, hindi ako magaling na guro pagdating sa kanya. Pero ikinatutuwa ko na ang pagsasalita nya ng pangilan-ngilang salita at talaga namang proud na proud na ko sa tuwing naririnig ko sya. Happinessmetch festival na yan ika nga.

Hayaan nyong ibahagi ko ang mga katuwa-tuwang pananagalog ng asawa ko. Sana lang ay di nya to mabasa, kundi malalagot ako ng bongga. Teka, di nga pala nya maiintindihan. So sige lang Ning. Ichismis mo na. Hahahaha!


TURO SESSIONS:
Asawa: How do you say 'Eat' in Tagalog?
Me: It's 'KAIN'.
Asawa: Okay. Come on, let's 'KAING'!

Asawa: How about 'Thank You"?
Me: Salamat po. (tinuturuan ko siya ng may po lagi para laging may respeto)
Asawa: Okay. SALAMA BO!


Asawa: How do you say 'You're Welcome'?
Me: "WALANG ANUMAN"
Asawa: Okay. WALANG ANUMANG BO.

Asawa: How about "Very Good"
Me: Galing Galing!
Asawa: Wow. Galeng Galeng Ako! Diba?


Medyo sumakit ang ulo ko pero hinayaan ko na munang yun ang matutunan nya for the meantime at palagi lagi nyang ginagamit na sa mga conversation namin. Bukod pa sa mga salitang yan. Alam nya na din ang mga simpleng salita tulad ng:

Konti lang po.
Magkano po
Ano
Baket
Talaga
Diba?
Isa, dalawa, tatlo hanggang sampu
dito, doon, dyan
saan
mabaho, mabango
bilis
SAKSI (dahil naririnig nya palagi sa TV)
.....at marami pang iba

Minsan isang araw, kagagaling nya sa trono ng kamahalan, at pagkalabas na pagkalabas nya, tinaas ang kamay at isinigaw, "SAKSI" imbes na Success. Saksi??? Sinong sumaksi sa kanya sa CR?? Humagikgik na lang ako at di bale na, at least Tagalog, diba???! Hahaha.

Hanggang sa Muli!!


Photobucket

2 comments:

  1. Di bale Ning, matututo din yan katagalan. Hahaha! Kahit mali mali, at least cute pakinggan di ba? For sure, naaaliw ka pag naririnig mo sya.

    ReplyDelete
  2. waha ha ha! naaliw naman ako dun sa "Saksi!" ha ha ha

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...