Jan 2, 2013

Bagong Taon. Bagong Pag-asa

Marami ang tumatakbo sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Iniisip ko kung maglilista ako ngayon ng mga resolutions ko na gusto kong matupad at mangyari sa bagong taon. Medyo mahirap para sa akin dahil ginawa ko ito last year pero marami sa listahan ko ang di natupad. Kaya napag-isipan kong ibahin ang sistema ngayon. Mas inisip ko muna yung mga natutunan ko sa nagdaang karanasan para maging mas effective ang nais kong mangyari this year.

Kaya eto na ang bago kong sistema:

Realization #1: Health is wealth!
Resolution: Maging napakaingat sa mga kinakain. Maging disiplanado sa pagpili ng mga pagkain at iprioritize ang kalusugan.

Realization #2: Patience is a virtue.
Resolution: Matutong mas maging mapagpasensya. Iwasang magpadaig sa inis o galit upang maiwasan din ang mga posibleng di pagkakaunawaan sa mga taong nakapaligid sa akin.

Realization #3: God is good all the time!
Resolution: Sa lahat ng naranasan na sakit at tagumpay sa nakaraang taon, nanaitiling tapat ang Panginoon. Ngayon, mas matatag kong haharapin ang mga darating na unos o pagsubok dahil mas napatatag ako ngayon sa aking pananampalataya sa Kanya. Salamat Panginoon!

Realization #4: Love conquers all.
Resolution: Napatunayan kong ang pag-ibig mayroon kami ng aking asawa ay napakaganda. Tunay ngang binigkis kami sa pagmamahal at pag-uunawaan dahil sa mga napagdadaanan bilang mag-asawa. Ngayon, mas magkakaroon ng pagkakaintindihan at pagmamahalan dahil sa ipinagkaloob ng Panginoon na bukas na isipan ng bawat isa.

Alam kong ang taong 2013 ay magiging isang pagbabago para sa mas magandang kinabukasan sa akin at sa aking pamilya. Iyon ay dahil si Hesus ay lagi naming kasama at ang Kanyang pagmamahal ay sapat.

Ikaw? Anung mga resolution mo ngayong taon?

Photobucket

3 comments:

  1. Hi Ning! Happy new year sayo at sa buong family mo!I wish na matupad lahat ng pagbabago na nakasulat dito. Minsan, mahirap talagang maglista ng new years resolution pero guide din ito sa tin to get through life in a brand new year.

    Good Luck for 2013 and I wish you the best of everything!

    ReplyDelete
  2. Happy New Year! Sana matupad lahat ng wish mo.. ako naman di gaanong gumagawa ng New Year Resolution....

    Goodluck!

    ReplyDelete
  3. di ako gumawa ng resolution eh. gumawa ako ng commitment. naks :)

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
anak asawa at home ka dito await award na natanggap awit baby plans bagyong Pedring baha bakasyon balikong pananagalog Bata Bata Paano Ka Ginawa batang lansangan bathing ministry batutay bayad online Bicol bidang bida ang tawas birthday blog designing blogger blogger hot seat blogger of the year blogkada ang sasagot buhay titser Cabanatuan City Carlo Aquino casio piano chikahan comedy cute fonts damuhan damuhan.com di malilimutang karanasan di na bata disappointed dismayado DJ Chacha dumplings earn online fan signs farm gladliness grace graduation happiness Hawak Kamay cover hektik iskedyul Hualien ina inaantok japeyk nga ba? joy kabusyhan kahihiyan kahilingan kaibigan kaibigang tunay komedyang pang-priskul kuwento kuwentuhan kwentong bakasyon libreng badge lugar na Poracay ang pangalan mabisang gamot sa singaw magulang maraming tenk you masamang pakiramdam meme movie review munting pakulo munting pangarap mylot mylot earnings napahiya ningning opinyon original designs pagkain pakulo ni bino palatandaan ng antok pamamalat pampaputi ng kili-kili panaginip pananaw paraan ng pagkuha ng pasaporte pasaporte Pasko paypal pelikulang Pinoy piano pictures Pilipinas playing piano Porac Pampanga Poracay Poracay Resort Pork barrel scam PR2 praybeyt benjamin radio station repleksyon requirements para sa passport application sahod sakit sapatos scrapbook designs Serena Dalrymple si lelang at si bunso sikat simbahan sine singing street children sunshine blog award survey ni Ning tagalog Taiwan talento tambayan 101.9 tawang wagas tawas teleserye tofu traditional costume tricycle capital of the Philippines tulog ubo vice ganda Vilma Santos walang gana wednesday whites
 

Rona's Home Blog Copyright 2011 Designed by Rona