Jan 16, 2013

Anung Meroon Sa Teleserye?

Isa sa mga hilig ko ang magmovie marathon... lalo na kapag talagang nasimulan ko nang gawin? naku po! asahan nyo na tuloy tuloy na yan hanggang sa halos hindi ko na napapansin ang oras.  Ewan ko ba kung bakit naging hilig ko ito, dati naman ay hindi ako mahilig manuod kasi impatient ako, pero ngayon... it turns out to be one of my stress relievers. Gayunpaman, sa aking panunuod ay may mga napansin ako sa mga movie series na ito. Sabihin nyo sa akin kung ang mga napansin kong ito ay mga nakita nyo din kung kayo man ay mga fans din ng mga movie series...Hayaan nyong isa-isahin ko ito ayon sa bansang pinagmulan nito.

KOREA-NOVELAS       
Wow, korea-novelas! Super fan ako nito... Winter Sonata, Which Star Are You From, Jumong, Stairway to Paradise, The Snow Queen, Endless Love, A Rosy Life at kung anu ano pa.. Napansin ko na ang mga series na ito ay maganda talaga pero may mga times lang na may mga characters na namamatay sa huli. Sad diba? Ang hirap tuloy makamove-on kapag natapos na lahat. Ngunit ito naman din ang napansin ko, magaling ang mga tagpo kasi hindi lang nakafocus sa isang aspeto.  Pagdating sa mga lovestory, bongga ang mga events kung paanong ang magsing-irog ay magtatagpo at magkakaroon ng masasayang tagpo na mgkasama... at habang ito ay nangyayari may mga factors and events din kung paano magkakaroon ng aberya sa kanilang pagmamahalan ngunit magtatagpo pa din, yun nga lang may talagang namamatay sa huli. Siguro talagang hindi sila ganung fan ng "happily ever after" keme.

TAIWAN-NOVELAS   
 Well, konti lang ang mga napunood ko dito pero favorite ko ung The Hospital (na pinagbidahan ni Daumingse at ng magandang Taiwanese actress), at Mars (na pinagbidahan naman ni Barbie Xu at ni Hwa Tsi Lei).. Sa mga series na ito, may hawig din sa pagkakagawa ng mga Koreans.. ang kaibahan nga lang hindi nakakainip ang phasing ng story compared sa mga Korean Novelas. Aabangan at aabangan ang mga susunod na kabanata talaga. Hinangaan ko ang pagkakagawa ng The Hospital dahil ang galing! Ang teleseryeng ito ay tungkol sa buhay ng mga doktor, pasyente at politikang nananaig sa loob ng hospital na minsan ay nagsusuffer ang mga pasyente dahil sa pagkakahati-hati ng mga doctor para lamang sa mga posisyon. May tendency ang mga Taiwan series na ito na sa kabuuan ay seryoso. Naglalaro lamang sa dalawang damdamin ng mga manunuod. Kung hindi lungkot ay galit - negative emotions. hay.. Gayundin ang Mars, naku! talagang seryoso. Iba ang character duon ni Barbie Xu compared sa babbly and boyish teenage character nya sa Meteor Garden.

 JAPAN TELESERYES      
 Gokusen, One Liter of Tears, Chibi Maruko Chan at iba pa... Hangang-hanga ako sa mga movie series na ito dahil ang mga ito ay kapupulutan ng magagandang bagay. Ang galing dahil for family talaga. Makikita dito ang kagandahan ng pagkakaroon ng mga mahal sa buhay.. they are all about building up and restoring relationships and being positive even when things go wrong.  Ang pinakapaborito ko ay One Liter of Tears, namatay man dito sa huli ang bidang teenager na babae ngunit sa buhay na ipinakita niya mula nung siyay simulang humina mula sa kanyang karamdaman, naging inspirasyon siya sa mga tao maging sa buong mundo. This is a true to life story. Hinangaan siya sa kanyang katapangan at pagiging positibo sa kabila man ng kanyang kalagayan. Two-thumbs up sa mga series na ito.

PINOY TELENOVELAS
Yes ang pinakaaabangan ng lahat. Naku, sa lahat yata ng kabahayan na mayroong TV set ay may mga sinusubaybayang teleserye. Nakakatuwa kasi talagang siyempre huling huli ang kiliti ng Pinoy ng mga teleseryeng ito, lalu na kapag ito ay lovestory at binibidahan ng mga sikat na artista. Para sa akin the best pa din ang mga Pinoy Series dahil sa nagtatapos pa din ang lahat sa "happily ever after" diba? Kahit na minsan alam na alam na natin ang mga susunod na mangyayari at maging ang katapusan, nahuhulaan na lahat... kahit na umiikot sa mga kuwentong ampon, ang mayaman ay mahirap pala and vise versa, ang bida ay api, darating ang mga pulis sa scene pero napatumba na ng bida ang mga kalaban, makakarealize ang mga nang-api, sampalan ng mga artista nang bonggang-bongga, at kung anu-ano pang keme... in the end, ang bida pa din ang nagwawagi at nagkakaroon ng pagkakasundo-sundo. Galing dahil tayong mga Pilipino ay talagang mga masayahing tao at siyempre umaasam ng mga masasayang katapusan. Haha.. bias ba?? well, sori kasi Pilipino ako eh.. Ayan ang mga chorvang napansin ko sa mga teleseryeng ito... Malaki ang kinalaman ng kultura at kung paano tumingin ang isang lahi sa mga bagay-bagay... Isang factor ng pagkakaiba-iba ng pagsasagawa nila ng mga teleserye. Lumalabas at lumalabas ito sa kanilang produktong naisasagawa. Kayo? Ano naman ang mga napansin nyo?

4 comments:

  1. Tama Ka dyan Ning! Iba talaga ang mga putaheng hatid ng mga teleserye. may kakaibang drama at komedya na talagang magpapakilig at magpapasaya sayo. Minsan may kababawan ang dating pero masaya naman at ang importante eh naaaliw tayog manonood. Ina, kapatid, Anak...yan ang sinusubaybayan ko now. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. sinabi mo pa sis! tayong mga pinoy ay talagang teleserye fanatics. Be Careful with My Heart fan naman ako!! yee!! super inaabangan ko araw araw sa internet. as in!

      Delete
  2. Hello Ma'am Rona! Sorry for not visiting you lately, just busy with something. Hope you're doing OK. I visited all your blogs. Kinda hard to blog here at home (in bicol) because it's either intermittent connection or none at all.

    About this post, mmm, one of the country's favorite past time. I don't get to watch in Manila because I'm still asleep pag primetime bida(I'm a certified Kapamilya, LOL). Here at home naman, medyo me kakaibang style kasi ng panunuod dad ko. He keeps on switching channel wanting to watch both soaps (GMA & ABS) at the same time -- sumasakit ulo ko so I don't watch anymore, haha!

    Take care always!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow! natuwa naman ako sa muli mong pagbisita mike! natutuwa ako sayo kasi talagang bumabalik ka ng visit once may nagvisit sayo. i like that! anyway, so, hindi ka nanunuod na ng tv. ano naman ang favorite past time ni mike then?

      Delete

Magreact ka lang!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
anak asawa at home ka dito await award na natanggap awit baby plans bagyong Pedring baha bakasyon balikong pananagalog Bata Bata Paano Ka Ginawa batang lansangan bathing ministry batutay bayad online Bicol bidang bida ang tawas birthday blog designing blogger blogger hot seat blogger of the year blogkada ang sasagot buhay titser Cabanatuan City Carlo Aquino casio piano chikahan comedy cute fonts damuhan damuhan.com di malilimutang karanasan di na bata disappointed dismayado DJ Chacha dumplings earn online fan signs farm gladliness grace graduation happiness Hawak Kamay cover hektik iskedyul Hualien ina inaantok japeyk nga ba? joy kabusyhan kahihiyan kahilingan kaibigan kaibigang tunay komedyang pang-priskul kuwento kuwentuhan kwentong bakasyon libreng badge lugar na Poracay ang pangalan mabisang gamot sa singaw magulang maraming tenk you masamang pakiramdam meme movie review munting pakulo munting pangarap mylot mylot earnings napahiya ningning opinyon original designs pagkain pakulo ni bino palatandaan ng antok pamamalat pampaputi ng kili-kili panaginip pananaw paraan ng pagkuha ng pasaporte pasaporte Pasko paypal pelikulang Pinoy piano pictures Pilipinas playing piano Porac Pampanga Poracay Poracay Resort Pork barrel scam PR2 praybeyt benjamin radio station repleksyon requirements para sa passport application sahod sakit sapatos scrapbook designs Serena Dalrymple si lelang at si bunso sikat simbahan sine singing street children sunshine blog award survey ni Ning tagalog Taiwan talento tambayan 101.9 tawang wagas tawas teleserye tofu traditional costume tricycle capital of the Philippines tulog ubo vice ganda Vilma Santos walang gana wednesday whites
 

Rona's Home Blog Copyright 2011 Designed by Rona