Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2012

Munting Pangarap ni Ningning

Hindi ko alam kung bakit ang mga naiishare ko dito ay yung mga kwentong maliit pa ko kasi nga malaki na ko ngayon. Ewan ko ba kung bakit palagi kong naaalala yung mga kaganapan nung bata pa ako. Siguro yun na nga yung tinatawag nilang, fulfilled daw ang slot na iyon ng aking buhay. Kumbaga, punong puno at super naenjoy. Korek yan. At ako ay isang buhay na patotoo pagdating sa mga karanasan at kwento.
As far as I can remember, (naks, Ingles, pakibulsa na lang) simple lang akong bata. Mababaw ang kasiyahan, mabilis tumawa, mahilig maglaro at simple lang din ang pangarap. Dahil nga sa Bicol kami nun nakatira ng pamilya ko, kung saan ang lahat ng bagay ay pwede mong lakarin. Malapit sa iskul, sa palengke, sa simbahan, sa perya, sa swimming pool na nilulumot na sa halagang limang piso lang ay makakaswimming ka na, at sa hospital na halos sa isandaang steps lang ng maliliit kong biyas ay makakarating na ko. Ganun ang aming maliit na town. Ang totoo nyan, hindi din kami nakakasakay ng dyip …

Sakit-Sakitan

Nitong mga nakaraang araw ay nawalan ng boses ang inyong abang lingkod. Nagkaroon din ng lagnat noong Lunes although magaling na ngayon. Yun lang, ang boses na ginintuan ay nagtago ng ilang araw. Maigi-igi na ngayon habang sinusulat ko ang post na to ay may lumalabas nang boses kahit papano pero sadyang paos pa din. Mas malala kahapon at noong Lunes na lahat ng kumausap sakin, mas minabuti nang huwag akong tanungin ng kahit na ano kasi sila ang nahihirapang makinig sa sagot ko. Sabi ko nga sa kanila, lahat ng sasabihin ko ay sekreto dahil sa pabulong na paraan ko lang magagawa. Kaya mapagkakatiwalaan ako ngayon ng sekreto pramis. Hahaha! 
Ang totoo nyan, namiss kong magblog. At humihingi ako ng paumanhin muli sa mga di ko pa nababalikang pagbisita lalo na sa mga entries ng Happiness meme. Hwag mag-alala at ako'y nagbabayad ng utang. Mamamalayan nyo na lang ang pagsulpot ko na parang kabute sa inyong mga blogs. 
Sana lang talaga ay bumalik na ng bongga ang boses ko. May raket pa n…

Japeyk Nga Ba?

Haler mga blogkada! Muli ay inuulit ko, sa lahat ng tumawa, napahagalpak at tumambling sa tuwa sa Kwento ni Lelang at ni Nani... mas masaya akong napatawa ko kayo. Sa akin pa din bumanda pabalik ang kasiyahan. Ika nga, it's my fleasure!
So much about the pasakalye, sinabi ko sa sarili ko nung una pa na kahit keylan ay hindi ako magpapadenggoy. Fumeeling ako na madedenggoy yata kami nito lang Lunes. Ang mga workers and staff ng aming simbahan kasama ng kanilang mga pamilya, (kasama din ako syemps) ay nagpunta sa isang resort kung saan ang pangalan ng resort ay inisip naming 'japeyk'? Ito ay dahil Poracay ang pangalan ng resort. Ang totoo nyan, walang nakakaalam ng resort na to, siguro may mangilan-ngilan na.. ngunit, dapatwat, subalit ay ni isa mga kakilala ko ay hindi knowinggelles ang lugar na itey. Ini-status ko akchuali sa FB ang Poracay Resort, tapos may biglang nagcomment ng: "May Poracay? Siguro may Pohol din?" So, dahil sa curiousity na um-arise sa amin, …

Ayoko! Amin Lang Si Baby!

Nacurious ba kayo sa title mga blogkada? Well, Talagang kacurious-curious ang ikukuwento ko.  Naalala ko lang kasi nung nasa Bicol pa kami ng aking mahal na pamilya nakatira. Baby o sanggol pa ang bunso namin noon. Yung tipong hindi magsusurvive kung wala syang gatas na iniinom. At siyempre pa, dahil sa mahal ang gatas, mas mainam at mas malusog kung gatas ni Ina ang kanyang tatangkilikin, diba? Oo, siyang tunay. Gatas ni Ina ang kanyang pagkain sa araw-araw. 
Sa mga panahong yon, yung pangalawa sa bunso, ay sobrang protective sa baby bunso. Ang katunayan nyan, sa pitong magkakapatid, siya ang pinakalove na love ang bunso namin. Siguro 4 na taon pa lang siya non. Sa pagkakaalala ko, taong 1995 yun. Nasa panglimang baitang pa lang ang beauty ko. (kung masasabi na ngang beauty yon hahaha!)
Anyway, bigyan ko muna kayo ng konting clue sa napakaliit naming pamilya. Pito lang kaming magkakapatid. Take note, may LANG pa yan. Mula sa panganay hanggang sa akin, taon lang ang pagitan namin. Pa…

Bathe Me, I'm Dirty...

Isa sa mga kagalakan ko ang makapagpaligo ng mga bata sa lansangan! Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng ganitong experience. Sa totoo lang, ito ang isa sa mga longing ng heart ko. Ang makapagserve hindi lang sa church kundi pati sa community. I love reaching out and making people smile. At siyempre ang nagbigay ng heart na yan ay walang iba kundi si Jesus!
In fact, na-experience ko to twice na at ung last time ay noong February. Ang photo na yan sa taas ay noong 2010. Vacation Church School noon at naisipan naming mga teachers ang magpaligo sa mga batang ito para sila'y mabango bago pumunta sa kanilang mga classrooms. 5 days ang duration ng VCS kaya ginawa namin ito ng apat na araw tuwing umaga bago magsimula ang mga classes by level. Alam nyo bang ang mga batang yan ay yung mga natutulog sa daan along Luneta at Plaza Salamanca sa ilalim ng LRT UN station? Kaya hindi na nakapagtataka na wala silang source ng tubig para maligo. Ang nakakalungkot pa dun, wala silang damit na…