Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2012

Ang Kwento ng Durog na Tawas

Uy, hello! Kamusta ka? Alam ko, naparito ka dahil sa napagka-interesting baching baching ng titulo ng post na to. Tama? O sige di na kita pasasabikin pa. Eto na ang kwento.

Tawas. Ano nga ba ang tawas?
Ang tawas ay iyong puti, mala-porselana at kumikislap kislap na bagay na animo parang isang crystal. Mayroong dalawang uri ito. Ang buo at ang durog na tawas.

Ngayon naman ay alamin natin kung ano ang gamit ng tawas.

UNA: Ito ay nagsisilbing gamot sa mga singaw natin sa bibig. Ay opo! Napakabisa! Isa ito talagang magic kung makapanggamot ng singaw. Yun lang, asahan na ang hapdi at sakit habang ina-apply ito. Siyempre diba? Hindi mo pa nga ginagalaw yung singaw, napagkasakit na. Eh yun pa kayang magmumog ng tubig na may tawas?! Pero diba, ika nga, "No Pain, No Gain". In just a minute, PATAY ANG SAKIT!".

PANGALAWA: Hindi lang gamot ang tawas, alam nyo bang nakakapagpaputi din ito ng kili-kili? Ayan mga girls, I know, I know.. Isa yan sa mga million-dollar-question pero ito ay…

Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

Muli ko itong binasa sa aking reviews site kaya naisipan kong i-repost dito para naman mabasa din ng mga avid readers ko dito at malaman kung ano ang mga kuro-kuro, opinyon at reaksyon nyo sa pelikulang ito. Medyo mahaba pero nawa'y mag-enjoy kayo!

Ako ay humanga sa pelikulang ito sapagkat talagang makikita dito ang tunay na kalagayan na nangyayari sa isang tipikal na pamilyang Pilipino. Makikita ang tumpak na pagganap ng bawat isang miyembro ng pamilya. Katulad ng pelikula, marami sa mga pamilyang Pilipino ngayon ang pangalawang ama na siyang tumuturing sa anak ng babae sa unang asawa na parang sarili niyang anak. Napakarami ang ganitong pamilya sa Pilipinas. Ito ay maaaring ang unang asawa ay hindi magkasundo at nariyang maghihiwalay at magkakaroon ng panibagong asawa kasal man o hindi. Kung kaya’t ang mga anak ay nagkakaroon ng pag-aalitan lalo na kapag hindi lingid sa kanila ang kanilang tunay na kalagayan.
Sa sitwasyon ng pamilya sa pelikulang ito, hindi lingid sa mga anak kung…

Si Ning Kumakanta!!

Ayan! Excited na ba kayo? Oo, Ako nga yan, ang aspiring singer ng Bicolandia. Kasi sayang naman yung pag-aaral ko ng Music nung college. Yap! I took Music as a course, in fact voice major pa. Medyo di lang ako confident sa boses ko but I love to sing! Ako na yan talaga. Nanginginig na ang voice, matagal na di kumakanta e. So, sana ay inyong maibigan ang aking mumunting sorpresa!
Kanina lang ito sa aming chapel. Hinablot ko muna ipad2 ni hubby at eto nga ang resulta ng pinaggagawa ko nang di nya alam. Enjoy!

Happiness is Maging Sikat!

Hindi ko lubos maubos ang kasayahan nato. Actually, nakakaloka dahil ang si-sweet ng mga bongga kong blogger friends! Hindi ko akalaing mararanasan kong maging ganito kasikat at sa blogospero pa! Grabe. Nagpapasalamat ako dahil sa mga ginawa nilang ito para sakin. Appreciated ko Sissies!! Nakakaloka talaga to ng bongga!  Alam kong idedeny nila to kasi maaaring unconsciously naisend nila tong mga fan signs sakin accidentally. Kung paano, hindi ko rin alam. Siguro baka sa kung anong hangin ang nagdala nito dito sa blog ko. Sabi nga ng asawa ko, wag ko daw i-blog para "humble" ang peg ko. Nyahaha! Haru humble daw?! Pero talagang sa ganitong paraan ko lang din sila mapapasaya. KM, Krizza, Lainy, Ate Rovs at lalong lalo na kay BabyBella, pinasaya nyo ko ng to the tenth power! At ang gaganda nyo! Kayo ang number one sa puso ko. Asahan nyong mamahalin ko pa kayo nang ganap na ganap at mapapangiti lagi sa mga post ko dito! AYLABYU ALL!!!

Ooooopss! Photo credit to their blog sites nga…

Happiness Post Lang!

Kung may isang bagay akong ipagpapasalamat sa araw nato, ito yung pagkakaron ko ng bagong domain para sa Women's Choice blog ko... Oh well, hindi lang pala isa ang mga happiness ko ngayon, i-enumerate ko na ha?
Una: Bagong domain! Paulit-ulit? Haha! Kaloka. 
Pangalawa: Ang umaarangkada kong designs site na talaga namang love na love ko! Masaya pala ang gawin ang kinagigiliwang gawin na nakapagpapasaya ako ng bongga sa mga kapwa ko bloggers. Super ang bihis ng mga blogs nila ngayon at ineenjoy nila. Alam nyo na kung sino kayo!
Pangatlo: Ang maka-earn ng fans at likes sa designs site! Kung di pa kita fan, i-like lang ang page na ito. Rona's Fun Designs Facebook Fan Page 
Pang-apat: Magkaroon ng maraming cute at jolly friends sa mga bonggang bloggers na sila KM, na to the highest level ang success ng Happiness Meme.. Si Ate Rovs na sumisikat every week bilang waging-waging happy blogger... Si Krizza, na stage mom! at very artistic pagdating sa kanyang home designs and ideas... At si …