Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2012

Busy ang Beauty ko This Week

Hello Sissies! Busy ang beauty ko this coming week at ito ang magaganap na iskedyul:
1. Pumunta sa Statistics Office bukas (Monday), upang kumuha ng another original copy of our marriage contract para maigora na sa pag-aapply ng asawa ko ng resident/spouse visa.
2. Pagkatapos sa NSO, diretso sa aming main office (United Methodist Church Manila Office), para doon ay magpractice ng choir for our upcoming Worker's Convocation (para sa mga pastor at tulad ko na nagwowork din para sa church) sa darating na Miyerkules na gaganapin sa Tagaytay na ang dinig ko ay ako daw ang maglead sa choir. Kamusta naman yon? Naatasan pa! 
3. Martes. Umuwi ng bahay sa Cavite, magpahinga, magpamani-pedi, magpack ng gamit at magblog pag may oras. Kailangan yan! 
4. Miyerkules ng umaga. Bumiyahe papuntang Tagaytay at doon ay umattend ng nasabing convocation sa loob ng 3 araw hanggang Biyernes. Si asawa uuwi dahil may klase ng Huwebes. Sadness ang beauty ko nun, walang katabi. Haha. Meh ganun? Di bale, dami nam…

Happiness is... Ang Makapagsuot ng Mala-Igorot na Costume!

Alam kong hindi na lingid sa inyong kaalaman na nagmula sa isang tribo ang asawa ko. Taiwanese siya pero hindi siya yung tipong maputi at singkit ang mata kundi mukha siyang Pinoy. At ayon sa kanila, ang kanilang tribo sa kanunu-nunuan pa ay may kwentong nauugnay sa Pilipinas. Naniniwala silang ang iba sa kanila ay nag-migrate nung mga panahong may lupang tulay pa ang Pilipinas at Taiwan at sila daw ang tunay na Taiwanese kesa mga puti at singkit na galing naman sa Mainland China. Kaya magugulat din kayo sa native language nila na Lukay na katunog na katunog ng salitang Ilocano! Bongga di ba? Kaya nung ginanap ang reception namin, sabi nila, hindi ako nalalayo, ako'y in na in sa tribo! 
Kaya eto, isa sa happiness ko nang pumunta kami sa Taiwan ay ang makapagsuot ng kanilang traditional costume na tunay talagang nahahawig sa ating mga ninunong Igorot. Yun lang, super bigat nyan dahil sa mga borloloy at korona. At ang tanawing bundok na yan, nakakalula sa kagandahan!
The Chen Family At…

Happiness is... Tawang Wagas na Wagas!!!

Isa sa mga pinakaborito kong larawan noong ginanap ang Wedding Thanksgiving namin sa Taiwan ay ito:


Hahaha! Sa wagas ng tawa nilang lahat lalo na ng father-in-law ko ay malalaman mo agad ang di matatawarang tuwa na talaga namang ganap na ganap! Hindi ko na matandaan kung anong joke ang sinabi ng pastor dito para matawa sila ng ganito, pero ang alam ko lang ay tumawa din ako, yun lang, late reaksyon ang beauty ko dahil mega translate pa ang mahal kong asawa. Haha.. O diba? Ang saya saya! 
Sa tuwing makikita namin to, ang sarap pa rin ng tawa naming mag-asawa. Lovely talaga ang mga in-laws ko. Sister-in-law ko naman yung magandang dilag na yan. Kaya ayan! Happiness is Tawang Wagas na Wagas! Sapagkat hindi mababayaran ang sayang dulot ng mga ganitong larawan! Nawa'y nakapagdulot din ako ng happiness sa post na ito! 
Teka, tumawa ka na ba ng ganito kawagas? ;)
Share ko para sa bagong bago at bonggang bonggang Meme ni KM na:

Bagong Taon, Bagong Design!

Hay salamat at natapos ko din ang design na ito. Makulay pa din dahil love ko talaga ang colors. Masayahin kasi ako. ;)

Dalawang araw bago ko natapos ang design na ito. Medyo nangapa ulit dahil sa tagal na di nakapagdesign. Pero ano't ano pa man ay natapos din.

Gustong gusto ko kasi itong digital scrapbooking kit na nadownload ko for free. Lahat ng ginamit ko dito mula sa header, sidebars, at footer images ay galing sa kit na iyon. Although yung mga iba, saling-kit-kit lang. Haha. Nag-enjoy talaga kong paglaruan yung mga designs at eto naman ang kinalabasan.

Mahaharap ko na ang mga orders na pending. Medyo naghintay talaga kayo mga Sis, pagpasensyahan nyo na. Yung mga request nyo ay mapagtutuunan ko na ng pansin. In fairness! Humahaba na ang listahan ng orders ko. Hmmm.. Baka simulan ko na din magpabayad. ;)

Nagustuhan nyo ba ang aking bagong look? Ciao!

Asar Ako sa New Connection!!!

Gusto kong magwala sa sobrang inis sa bago naming internet connection. Inavail namin yung nasa commercial ng Globe Tattoo na Superstick nila na umaabot DAW ng 7 Mbps! Wow! Kaloka! Eh nung nagconnect na sa internet, jusmio! Ni hindi umaabot ng 1Mbps! At ang presyo tumataginting na P1,300! Sinong hindi maiimbyerna? Ha? E mas mabagal pa sa previous connection namin to ah? Sa tagal bago ka makapagbukas ng facebook eh pwede ka pang magluto at maglaba!!! 
Mga sis, pasensya na kayo kung ganito ako makapagreact kasi sa totoo lang! Hindi talaga maganda ang mood ko ngayon. Pati asawa ko asar na asar sa connection na to. Ang sarap manigaw ng mga promoter sa globe. At bukas talaga pupunta kami sa Globe na yan at magrereklamo ako. Nuknukan ng bagal! Ang nakakainis pa, di pwedeng mag-withdraw ah? 2 yrs ang contract eh. Anu yon? Lokohan? Badtrip!!!!
Ilalabas ko muna itong nagsusumigaw kong damdamin ah. I just cant believe it kasi. Naiiyak ako sa inis ngayon sa totoo lang. I hate this but I know that I…

Bakasyon Over, Pagbabalik Pilipinas!

Ayan, mga Sissy! Heto na akong muli at nagkukuwento sa inyo. Sana ay nag-enjoy kayo sa aking mga kwentong bakasyon. Siksik na siksik at sulit na sulit talaga yun eh. 
Nung isang Sunday pa kami nakabalik dito sa Pilipinas pero dahil sa wala pa kaming connection sa bahay. Mas minabuti na muna naming maghintay ng bagong internet. Yung tipong mas mabilis at hindi nakakainip! Haha. Nakakainis talaga kasi yung may mga panahong ubod ng bagal ang mag-open ng facebook o ibang pages lalo na kapag umuulan. Nagpasya na lang kaming i-give-up ang Sun Broadband Stick na meron kami at mag-apply ng bagong internet connection from a different provider. Hopefully mas okey na ang Globe Tattoo Superstick na umaabot daw hanggang 7 Mbps ang bilis. Well, tignan natin!
So, sa ngayon, dito muna ko sa Manila humahakot ng libreng wifi. Maya uwi na din kami sa Cavite. At nang makapagpahinga na ulit. May mga ginawa mung kabisihan dito. Sana lang talaga mabilis ang process ng bagong internet. Ang daming requirements …