Sep 18, 2012

Nais Kong Mabigyang Linaw

Hiatus nang matagal ang beauty ni Ningning dito mga blogkada. Pasensya na kayo. Ito ay dahil napakarami ng mga responsibilities at priorities ang inaatupag ko ngayon.

Isama nyo pa dyan ang pagkakasakit ni Hubby lately. Nagpapasalamat kami't nailabas na sya kagabi. Masigla na sya't may ngiti na din.

Mayroon lang akong hindi maintindihan. Alam kong may mga dapat kaming bayaran sa pagkakaospital ng aking asawa due to engue fever. Umabot kami ng 4 na araw sa naturang ospital hanggang sa bumalik na sa normal ang platelet count.

Ang tanong ko lang, bakit umabot ang bill ng humigit P12,000? Eh may healthcard naman kami. Rest assured kami na mga gamot at miscellaneous lang sana ang babayaran namin dahil pati ang doktor ay covered na ng Fortune care card namin. O sige, hindi nga member ng philhealth si Hubby, pero bakit ang portion nito ang pinakamataas sa lahat na umabot ng P5,500???

Nagdemand kami ng itemization ng bills. Alin alin ang naicover ng health card at alin alin and due for the patient. Kasi yung SOA ay hindi transparent. Hindi duon nakikita ang naikaltas ng HMO. Lahat due sa patient???

Isali pa dyan ang tumataginting na Professional Fee ng doktor na P5,100? Aba, nakakapagtaka lang na kaya nga siya ang pinili dahil nasa list siya ng Fortune Care doktors. We demanded for a black & white mula sa doctor para ng sa gayon ay makuwestyon namin sa Fortune Care bakit lahat yata ay may charge kami? And you know what? The doctor cancelled the amount for her. Hmmmm. Anung ibig sabihin nito?

And lastly, ganun ba talaga kataas ang portion ng Philhealth? Na mas higit pa sa kalahati ng hospital bill? And is it the doctor's choice to ask for excess fees kahit na covered sya ng health card?

Para masagot ko ang mga katanungan na yan, pupunta ako sa Philhealth at sa tanggapan ng aming health insurance company upang mabigyang
Iinaw ang mga ito.

Kayo anu sa palagay nyo ang nangyayari?
Photobucket

10 comments:

  1. Hay, sa totoo lang, minsan walang clear guidelines kaya pag nagkasakit ka at gumaling na, at may billing na, parang magkakasakit ka ulit kasi paiba-iba ng patakaran. Imbes na payapa ka na sanang makakauwi, ginugulo pa isipan mo. Go sis and magtanong ka rin sa philhealth ng malinawan ang lahat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka sis. Talagang magtatanong ako at hindi ako makapaniwala. Tatanggapin ko kungbtalagang yun ang dapat bayaran. Gusto ko lng mabigyang linaw.

      Delete
  2. Hello Ate! Sa Nueva Ecija padin po ba kayo? What do you mean po na may portion ang Philhealth? Sabi nyo po kasi ay di naman member si hubby mo. Ang ibig nyo po ba sabihin ay sinisingil kayo ng hospital para sa Philhealht??? If non-member po kasi ang pasyente, ala naman sisingilin dapat for Philhealth dun dahil supposed to be, ang Philhealth ang sasagot sa part ng bill nyo if member po sya and not the other way around... Hmm. I work at Philhealth po kasi and I'm willing to answer your querry if alam ko po ang sagot sa tanong nyo.

    I'm glad he's ok na po. Take care always! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Lily! Glad you are here. Talagang need kong maunawaan. Siguro di ko lang naintindihan na dun sa statement of account namin, may nakareveal na part ng Philhealth. Or, ipinakita lang yun to tell us na sana ung halagang yun ang covered sana ng Philhealth. Yeah, I think ganun nga.

      Kaya sa official bill namin, walang nag-aappear na Philhealth. Parang ganun nga yata.

      Delete
  3. I would like to clarify lang din po.

    "O sige, hindi nga member ng philhealth si Hubby, pero bakit ang portion nito ang pinakamataas sa lahat na umabot ng P5,500???"

    What are you trying to imply here? Medyo vague po. Wala nga po bang PhilHealth ang patient? Or considering na walang PhilHealth ang member? Sa PhilHealth po, walang sinisingil ang companies sa mga patients, members or non-members alike. The company helps by reducing the patient's hospital bills, not impose bills.

    "And lastly, ganun ba talaga kataas ang portion ng Philhealth? Na mas higit pa sa kalahati ng hospital bill?"

    Again, are you talking of additional fees or deduction on fees?

    Please clarify, I can help, and am willing to. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks.. Like sa sinabi ko kay Lily baka nga ipinakita lang ung dapat sana icocover ng Philhealth kung member si Hubby. Now I understand ayon sa mga sinabi nyo. Thank you!

      Delete
  4. Hi Ning! OO nga Ning nage gets ko yung puntos ng 2 visitors mo sa itaas. Kaming mag asawa kasi Philhealth members din kami, OFW category kasi mas mataas ang benefits namin pag Philhealth member na OFW. Ang alam ko din sa Philhealth Ning, pag member ka nyan, mababawasan ng ilang porsyento yung hospitall bills mo kasi may certain amount na covered ng Philhealth sa gamot, hospital rooms, laboratory at Doctor's fee din. Depende yun kung saang hospital na confine si hubby mo. Walang dapat mag appear na Philhealth sa billing mo kung hindi naman kamo member si hubby mo. Lalong walang dapat i charge sa inyo na philhealth??? Paramg walang iniwan yan sa healthcard kaya lang government agency kasi yan at mandatory sa mga employees sa Pinas man o sa abroad. I clarify mo Ning. Tingin ko Philhealth has nothing to do with it. Smile Ning. Cheers.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sis.. Naliwanagan na ko sa Philhealth part. Yung sa healthcard na lang.

      Delete
  5. About Philhealth tama yung comments nilang tatlo.

    Pero ang masasabi ko lang sa mga hospital at karamihan ng doktor (hindi ko nilalahat ha) sa Pilipinas ay maliligtas ka nga sa iyong kalagayan ngunit may tendency ka namang ma-high blood at atakehen sa puso pag nakita mo na yung bill. Minsan nauuna pa yung bantay at magbabayad ng bill kesa dun sa may sakit. LOL!

    ReplyDelete
  6. alam ko uber busy ka sis, kaya lang talagang you're one of my dearest in the blogosphere eh .... hi hi hi

    http://balutmanila.blogspot.com/2012/10/liebster-blog.html

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
anak asawa at home ka dito await award na natanggap awit baby plans bagyong Pedring baha bakasyon balikong pananagalog Bata Bata Paano Ka Ginawa batang lansangan bathing ministry batutay bayad online Bicol bidang bida ang tawas birthday blog designing blogger blogger hot seat blogger of the year blogkada ang sasagot buhay titser Cabanatuan City Carlo Aquino casio piano chikahan comedy cute fonts damuhan damuhan.com di malilimutang karanasan di na bata disappointed dismayado DJ Chacha dumplings earn online fan signs farm gladliness grace graduation happiness Hawak Kamay cover hektik iskedyul Hualien ina inaantok japeyk nga ba? joy kabusyhan kahihiyan kahilingan kaibigan kaibigang tunay komedyang pang-priskul kuwento kuwentuhan kwentong bakasyon libreng badge lugar na Poracay ang pangalan mabisang gamot sa singaw magulang maraming tenk you masamang pakiramdam meme movie review munting pakulo munting pangarap mylot mylot earnings napahiya ningning opinyon original designs pagkain pakulo ni bino palatandaan ng antok pamamalat pampaputi ng kili-kili panaginip pananaw paraan ng pagkuha ng pasaporte pasaporte Pasko paypal pelikulang Pinoy piano pictures Pilipinas playing piano Porac Pampanga Poracay Poracay Resort Pork barrel scam PR2 praybeyt benjamin radio station repleksyon requirements para sa passport application sahod sakit sapatos scrapbook designs Serena Dalrymple si lelang at si bunso sikat simbahan sine singing street children sunshine blog award survey ni Ning tagalog Taiwan talento tambayan 101.9 tawang wagas tawas teleserye tofu traditional costume tricycle capital of the Philippines tulog ubo vice ganda Vilma Santos walang gana wednesday whites
 

Rona's Home Blog Copyright 2011 Designed by Rona