Aug 30, 2012

Balita sa Radyo at TV

Naramdaman mo na ba minsan na parang hindi buo ang araw mo kung di ka nakakapakinig, nakakapanuod o nakakabasa ng mga pangyayari sa yong paligid?

Well, nasa ganyang estado ako ngayon. Sige inaamin ko na tumigil ang pagkahilig kong manuod ng TV simula nung elementary pa ko... na ang bawat palabas na yata at pagkakasunod-sunod ng programa ay alam ko. Ito yung mga panahong sumikat ang Princess Sarah, Mara Clara (Juday and Gladys days), G-Mik, Tabing-Ilog, Remy, at kung ano ano pa sa mga taong 90's. Tanungin nyo ko kung sino ang gumanap sa mga palabas na nag-air sa mga panahong yan at masasagot ko kayo. Hihi. Siguro talagang hilig na nating mga Pinoy ang manuod ng telebisyon kahit pa nangangapitbahay pa ako nun makapanuod lang.

Ang kaibahan nga lang, nung mga panahong yun ay di ako mahilig manuod ng balita. Sino nga namang bata ang mag-eeffort buksan ang TV kapag TV Patrol ang palabas, diba? I'm sure, kahit ikaw na nagbabasa nito ay guilty pagdating dyan. Pero masayang tututok na kapag patapos na ang balitang programa. O diba?Ganyan ka din? Kung meron man, maaaring mangilan-ngilan lang.

Iyan naman ang kinabaligtaran ng sitwasyon ngayon. Hindi nako first honor kapag tanungin ako ng mga palabas sa TV ngayon. Hindi na kasi ako nakakapanuod simula nung umiral na ang internet. Sa internet kasi, andun na lahat ng replays ng mga inaabangang teleserye at paboritong programa. May TV kami pero hindi sya nagagamit ngayon dahil talagang wala lang siguro na kong hilig manuod. Pero isang laking tulong din ng internet na sa isang click lang ay updated ka na sa lahat ng nangyayari, mga uso at mga bagong 'in' at napapanahong usapin ng bayan at ng mundo. Naging mas partikular na sa akin ang mga balita kesa sa mga teleserye. Pero paki-spare ang Be Careful with My Heart ni Sir Chief Richard Yap at naku, masugid ko yang sinusubaybayan. Hehe. Oo na, mas type nyo ang "Walang Hanggan". Tagos ba?

Well, anu nga ba ang repleksyon ko? Isa lang. Nagkakaedad na ngang tunay si Ning. Pero hindi ko sinasabi na yung mga talagang may hilig sa balita nuon pa man ay mature na. No. Hehe. Napagtanto ko lang na ako ay isang tipikal na batang Pilipinong lumaki sa trend ng panahon ngunit, datapwat, subalit ay late bloomer! Late ako sa development ko kesa sa edad ko. Anu't ano pa man. Natutuwa ako na kahit ganito ang buhay ko, ako ay masaya, may pag-asa at laging positibo sa buhay. Hindi ko nga ramdam kung minsan na may-asawa na nga pala ko. Hihi. Opo. Yan si Ningning.

Ikaw? Kamusta ka? Maaari mo bang ibahagi kung sino ka sa iyong sariling pagtingin?
Photobucket

3 comments:

  1. feel ko yung "Tabing-ilog" Ning, sana sinama mo pa yung "TGIS" (Thank God It's Sabado) kung san sumikat si Dingdong Dantes hi hi. At yan na rin yata ang huling dekada na nagka-oras ako na manood ng ganyan dahil ngayon ay pareho na rin tayo sa dalang ng panonood. Pang-news channel at mostly internet na rin lang ako ha ha ha



    At korek ka nagkaka-edad ka na nga dah

    ReplyDelete
  2. Naku naman Ate Neng... Adik din ako ng Please Be Careful With My Heart.. Ang pogi kasi ni Sir-Chief eh! :)

    Naku! Di din kompleto araw ko kapag walang balita. Madalas kasi ako tinatanong ng big boss ko sa mga current news eh. Mabuti na yong prepared. Pero... mas matimbang pa din ang teleserye eh! hehehehe!

    ReplyDelete
  3. Hey hey...

    I have something for you. Versatile Bloggers Award.... Head on over here :)
    http://lalahspartyofthree.blogspot.com/2012/09/award-versatile-blogger-award.html

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...