Jun 20, 2012

Cabanatuan City: Ang Tricycle Capital of the Philippines

Hello mga blogkada! Kamusta kayong lahat? Dekada na simula nung huling post ko dito. Eto na.. Narito nakong muli at magkukuwento ng mga bagay bagay tungkol sa lugar kung saan kami ng aking asawa ay lumipat. (winks!)

Narito na kami ngayon sa Cabanatuan City! (with matching pakaway-kaway ng kamay) Sa ilang araw pa lang ng pamamalagi namin dito, may mangilan-ngilan nang mga bagay ang natuklasan, nalaman at nadiskubre si Ningning.
Cabanatuan City
Una, ang Cabanatuan City ay isa sa mga pinakamaiinit na lugar sa Pilipinas. Ito ay dahil na din sa kapatagan ang lugar na ito. Lalo pa't narito kami sa City proper ng Cabanatuan, asahan na ang mga establisimiyentong naitatag sa lahat ng bahagi ng lugar kaya bihirang bihira na ang mga puno at halaman. Bagay na nakapagpainit sa lugar dahil walang mga punong makapagbigay ng hanging malamig at malinis. ;) 

Pangalawa. Napakainam malaman na ang Cabanatuan City ay ang "Tricycle Capital of the Philippines"! Hooray! Nakakatuwa na ang nagsisilbing taxi ng mga tao dito ay ang traysikel. Kabuhayang maituturing para sa mga tricycle driver. Ang pinakamababang singil ay tumataginting na trenta pesos! Mas nanaisin mo nga namang sumakay na lang ng traysikel kaysa sa maglakad sa sobrang init kahit pa may payong. Sasakit lang ang ulo at nakaka-drain lalo ng energy.


tricycle na hiram kay Google
Alam nyo ba na ayon sa survey, mayroong 38,202 na registered tricyles dito? Hindi na nakapagtataka na ang bubungad sayo ay traffic. Trapik sa nagsisi-alpasan at singit nang singit na mga traysikel at jeep sa lugar.  Hindi lang yon, dahil nga sa trapik na naidudulot ng sangkarumakot na bilang ng traysikel ay napag-isipan ng gobyerno na magkaron ang mga traysikel ng 'color coding'. Toinks!

Pangatlo. Kung ang Pampanga ay kilala sa mga Mekeni products, ang Cabanatuan naman ay kilala sa popular nitong Batutay! Yan ay yung longganisa ng Cabanatuan. Masarap daw yan. Bibili pa ko nito para mapatunayan ko na nga. Kung naaalala nyo yung pelikula ni Juday at Ryan na "Kasal, Kasali, Kasalo", dahil ang pamilya ni Juday doon ay nag-originate talaga dito sa Cabanatuan, pagtitinda ng batutay ang negosyo ni Gina Pareno (nanay ni Juday sa pelikula). Buti na lang at naipalabas yun, kung hindi ngayon ko lang din ulit malalaman. Hahaha!
ang batutay
O sya, sa susunod na ulit ang ilang trivia. Buti na lang at hindi mainit ang room na narentahan namin. At super tahimik na di maririnig ang mga traysikel na maya't maya ang harurot sa labas. 


Hanggang sa muli!

Photobucket

12 comments:

  1. Yun harurot ng tricycle, sanay na kami dyan parang background music hehehe. Taga Cabanatuan kasi nanay ko at dumadalaw ako dun every other weekend. Baka magkasalubong tayo minsan hehehe. Batutay pala tawag dun. Longganisa lang alam ko eh. May suki nyan ang nanay ko. Bihira ko kumain nyan kasi nga processed food bawal...pero maminsan, sarap...comparable sa longganisa ng Ilokano.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow! Taga-Cabanatuan pala si Mama mo. Sana nga magkita tayo one time hahaha! Speaking about harurot. Di ko pa yata ako nakakita ng kalyeng walang traysikel dito. haha

      Delete
    2. See you hahaha! Kaya lang, mga 20 min kami dun sa pinaka-bayan, medyo lampas sa mahabang tulay kung nagagawi ka dun :-) Buti na rin yun kasi sa bayan di mahulugang karayom ang kalsada dahil sa tricycle. Katakot nga basta tumawid eh hehehe

      Delete
  2. kung ako din pipiliin kong sumakay ng traysikel, nakatulong pa ako sa kabuhayan ng mga traysikel drayber kesa maglakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! Totoo ka jan. Kahit pa trenta, talagang magbabayad ako. LOL! Salamuch sa dalaw Jessica!

      Delete
  3. Welcome to Nueva Ecija po! Dito ako Cabanatuan nagwowork as of now. hehe. Grabe po talaga maningil mga traysikel drivers dito.

    TIP: makipag-"bargain" muna bago sumakay. Mahal masyado ang 30php! ;P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Lily! San ka dito nagwowork baka maligaw ako. hahaha..

      Truelaloo.. kung minsan kailangan mkipagbargain sa mga traysikel draybers!

      Delete
  4. Uyy...nice trivia Ning! Thanks for sharing. Salamat naman at okay ka dyan sa new place mo. Kering keri mo naman mag adjust eh. kaw pa! Sige balitaan mo na lang ako kung talagang masarap nga ang batutay. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi sis! Thank you so much! Kering keri nga. Okay naman kasi yung place. Hindi malungkot at walang pinagkaiba sa cavite. Yun lang walang mall ditey. Meron man pero maliit. Pero okay na din! happiness! hahaha.. About the batutay, sige. Ibabalita ko sayo agad agad!

      Delete
  5. "sangkarumakot na bilang ng traysikel" ha ha ha! kaiba ka ning! paangkas nga dyan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sistah! Haha.. ako na talaga! Tara dito sa Cabs. At nang magsawa ka kakaangkas sa mga traysikel.

      Delete
  6. nice posting.. thanks for sharing.

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...