Mar 12, 2012

Antok Ka Noh??

Alam ko, at huwag na ninyong i-deny na naranasan nyo na ang mga palatandaang ito. Eto, tingnan nyo at alalahanin ang mga palatandaang antok ka pa o antok ka na nga at kailangan mo lang itulog yan. ;)

ANTOK ka na nga…
  • Kapag nanonood ka ng paborito mong telenovela at pinipilit ibukas nang todo ang mga mata dahil sa ayaw mo lang mamiss ang episode ng gabi.
  • Kapag may nagtanong sayong, “Antok ka na?” at “Hindi pa noh?” ang sagot mo, sabay tindig tapos uupo din naman ulit at pipikit-pikit ulit ang mata.
  • Kapag nagluluto ka sa umaga at parang nananalangin sa harap ng niluluto mong pritong itlog o hotdog.
  • Kapag lumabas ka ng kuwarto at tinanong ang sarili, “Saan nga ba ko pupunta at anong kailangan kong kunin?” sabay kamot sa ulo.
  • Kapag nasa klase ka, at kunwari tutok na tutok ka sa mukha ng teacher mo pero nangingindat na ang antok mong mga mata.
  • Kapag may kausap kang sobrang nakakaboring ang kuwentong sinasabi nya at oo ka na lang oo pero nang-iirap ka na pala kasi antok ka na.
  • Kapag nagsesermon ang pastor at ang akala ng mga tao sa likod mo sumasang-ayon ka lang lagi sa sinasabi ng pastor dahil sa katatango mo hanggang dibdib.
  • Kapag nagmumukha nang lasing ang mga mata mo sa harap ng computer o laptop mo pero ayaw mo lang mahiga dahil nga nagfefacebook o nagbablog ka pa!

O natuwa kayo noh? Ako din eh. Naisip kong isulat kasi alam kong makakarelate kayo. So anong maidadagdag nyo? Hahaha! Sulat!

8 comments:

  1. Tumpak na tumpak Ning...Hahaha...

    Kumusta na?

    ReplyDelete
  2. aba pasok k isa sa mg sulat mo sis....kakaiba k talaga dami mo alam n kwento nka katuwa talag dito sa blog mo nkakawala ng pagod at lungkot sis.... ano kmusta kana b jan?

    ReplyDelete
  3. pag tapos kung kumain sa tanghali.... ayy!! bongang inaantok talaga ako!! nyahaha


    >> resulta: taba ng pisingi ko :(

    ReplyDelete
  4. Tama ka, antok nga me now eh. Hahaha. Musta na Ning? I'm back to work na. I just started today actually. nag spend lang me ng 1 night sa bangkok kasi I will be entering Cambodia via Bangkok na since malapit na ako now sa Bangkok. Hope ur okay Sis! :) Missing u! Hugs!

    ReplyDelete
  5. Antok ka kapag mali-mali na ang type mo sa artikulo at di mo nakikita o napapansin (alam kong iche-check mo ulit ang artikulo mo....wala kong nakitang mali...unless antok din ako hahaha)

    ReplyDelete
  6. INfernez, nawala ang antok ko pagkabasa ko neto, hahahaha!

    Musta na Ning! I miss you ng labisssss! Mwah!

    ReplyDelete
  7. ako antok na talaga ako..as in..pero hala pa rin ako sa kakatingin ng porfolio mo..nag iisip pa ako ng theme ko..
    oi..pa-lista naman as kapitbahay mo..kasama ka dun sa bahay ko..

    ReplyDelete
  8. teh, nawala antok ko dito. hehe! uy, miss na kita. di na tayo nakapag chickahan ulit :(

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...