Mar 26, 2012

Abalang Muli ang Beauty Ko

Hello mga blogkada!

Una ay gusto kong humingi ng paumanhin sa mga hindi ko pa pagbloghop sa mga entries ng Happiness Meme. Ilan pa lang and nadalaw ko pero huwag mag-alala dahil babalikan ko kayong lahat soon!

Medyo bigyan nyo muna ko ng kaunting panahon ngayon at bisi-bisihan ulit ang beauty ko this coming week. Hindi pa halos nakapahinga mula noong graduation ni hubby at sinundan agad naman ng preparasyon para sa Anniversary ng church nung Linggo. Nagbantay sa Ninang kong may sakit sa Manila Doctors kagabi, kahit na puyat ang beautyness monster ng lola nyo ay gumora pa din sa immigration today para naman sa renewal ng visa ni hubby. Well, eto kadarating lang namin dito sa bahay and it's nearly 11pm now. Bukas naman ay sa Tagaytay muli ang tungo ko kasama si Hubby para sa church conference na gaganapin hanggang Huwebes ng hapon. Ang hectic mga teh diba? Jusme talaga.

Pero wag mag worry sapagkat kahit na bisi bisihan eh makakahanap din Ako ng time mag blog at makachikahan kayong muli. Babawi na lang Ako mga kagandahan ah? At babalikan ko ang inyong mga happiness entries. Salamat sa walang sawang pagdadalaw at pagkembot ninyo sa mga blogs ko!
Mamimiss nyo ko alam ko yan. Hahaha! Mahilig talaga ko umechos.

Hanggang sa muli!!!

2 comments:

  1. hi kapatid! sureness..enjoy the conference lang okay?..oo nga miss ko na ang chika mo sa bahay ko..bagong renovate pa naman yun..
    -emoterangkulot-

    ReplyDelete
  2. Hayest lebel na naman ba ang energy mo. At talagang makapunit singit?? LOL. Mukhang hindi ka na ganong bisi-bisihan diyan ah. Musta ang conference? Makinig ka sa mga nagtuturo ah. Hehe! Tara chickahan tayo pag di ka na bisi-bisihan ;) Ingat lagi. Muahugz!

    ReplyDelete

Magreact ka lang!