Mar 30, 2012

Ang Batang Ningning

Masayang balikan ang panahong minsan tayong naging bata, tama? Hay! Sa totoo lang ang happiness post na ito ay may halong kilig kapag inaalala ko yung mga kaganapan, kakulitan at di pangkaraniwang karanasan nung ako ay ganito pa kaliit!!

Yey! Yan si Ningning! Yan ako nung limang taong gulang pa lang ako. Ang cute cute ko diba? Aminin! Hahaha! 

Ang damit na yan ang pinakapaborito ko sa lahat ng damit na ibinili sakin ni mahal na ina. Tatlo yan na iba-iba ang style pero ito ang tinitingnan kong lagi sa cabinet namin at gustong isuot kapag magsisimba kami. Sa edad na yan andami ko nang naaalala na ginawa ko.

Una, kabibuhan! Oist imadyinin nyo nga naman na sa ganyang liit ko entertainer na ko. Kapag may bisita kami, ibinibida na ko ng papa ko sa mga bisita. Sasabihin nya, "Ning, kanta ka dali". Dali-dali naman akong isasampa sa mesa ng mahal kong ama at kakanta na nga ako nang walang kaabog-abog! AT take note! With EMOTE pa at actions sa kamay na kala mo kontestant sa Kampeon ng Tanghalan!! Ito ang mga kanta ko: "Sayang na Sayang Lang ang Pag-Ibig Ko", "Mr. Dreamboy" at "Somewhere Out There". San ka pa teh! Hulaan nyo anong taon yan!!! Para sa clue, sa carpet pa lang sa likod ko, malalaman nyo kung kelan yan nauso. Kasama yan sa era. LOL!

Pangalawa, ka-istarirayan! Alam nyo bang buntot ako ng mama ko? Basta kahit san sya pupunta dapat kasama ako. Hindi sya makapagtago sakin. Isang araw, dumating ang Tita galing sa Bicol. Nasa Laguna kami nito nakatira noon. Busyng busy ako maglaro at intensyonal nga akong nilalaro ng Tita ko. Yun pala, dahan dahan na si Mama lumalabas ng pinto! Aba? Di pa din sya nakatakas sa paningin ko. Takbo ko sa pinto at humarang ang Tita ko. Ang lakas ng iyak ko at nagpupumilit sumama sa mama ko. Successful na sana ang pag-alis ni Mama nang marinig nyang tumili si Tita at napabalik sya ng bongga. Anong nangyari? Kinagat ko lang naman si Tita sa bukong bukong sa abot ng aking makakaya sa pagkalupasay ko. Ayan, palo ang inabot ni Ningning sa mahal na ina. Hindi na nga nakaalis ang nanay. Nakapag-isip isip siguro si Ningning at tumahimik sa isang sulok.

Pangatlo, picture addict! Opo. Si Ningning nang edad na yan ay napakapicture addict na daw sabi ng mama ko. Well, ang ganda naman talaga ng mga ngiti ko diba? Pano eh, nagpapraktis pa daw ako sa salamin ng ngiti. haha! Ako na yan! Ang cute cute ko!

Nang si Ningning ay lumaki, siya'y naging isang mabait na bata at anak. Haru! Oo, mabait ako pramis! 

Siya, bago nyo tapusin ang post na to, kumaway muna kayo sa batang si Ningning at tiyak na mapapangiti nyo sya. Wag din kalimutang mag-iwan din ng masayang kumento sa baba! Ciao!

My share for: HAPPINESS IS
Photobucket

Mar 28, 2012

Welcome Grace, Ang Bagong Blogger!

Alam nyo naman siguro kung gano ko kamahal ang blogging. Ang totoo nyan, nagsimula ang adiksyon na to, way back Friendster days pa. Anu ngang taon yon? Yung tipong meh mga testimonial ever pa? Ay naku teh, marami akong naging prendship at nahakot na testimonials sa profile ko nun sa pamamagitan ng pagmamakaawa. Hahaha! Hindi ko lang alam kung binobola nila ko. Pero kasabay nun, nung makita kong may blog churvaness dun eh nagsimula akong magblog. Ayan, sumunod na nga itong discovery ko ng multiply noong 2008 na mas minahal ko kesa sa friendster dahil sa kumpleto ito! Maliban sa meron itong photo albums, blog roll ay pupuwede ka ding mag-imbak ng videos at kung ano-anu pa. Tapos, nakakaengganyo lalo ay masarap bihisan ang multiply. Napakaraming choices na maaring pagpilian na aangkop sa personality. Ayan, ako na yan!

Kasabay ng adiksyon na yan, sa multiply pa lang ay nahikayat ko din ang mga kaibigan kong magblog. At eto nga, si Grace na sisterette ko na kung ituring ay nahikayat ko din. Espaks kami magtawagan dahil nung nag-aaral pa kami, naging partner kami sa prayers. "Espaks" means, spiritual pakners! Oh, astig diba? At dahil siyempre para na silang magkapatid ng asawa ko, nagkaron din sila ng sarili nilang tawagan. Alam nyo kung ano? "XBOX" Kaloka diba? Hahaha! Totoo yan kahit sa personal ganyan ang tawagan nila. 

Kaya heto ako ngayon, nahikayat ko naman sya ulit magblog dito sa mundo ng mas malawak  na blogsphere. Nagshift na din sya sa blogger. Ang katunayan nagulat pa ko dahil 4 agad ang binuksan nyang blogs. 

Si Grace nga pala ay isang pastor. Magandang batang pastor ng UCCP at nagpapastol sa Las Pinas. Hindi lang siya maganda kundi napakagaling din na singer! Ay oo. Proud akong sabihin na ang tandem naming dalawa ay pwedeng pwedeng pagsimulan ng matayog na career. Sa school noon, ang tawag sa amin ay M2M. Namiss ko na nga siya kajamming eh. 

Sana ay suportahan nyo din at maging kaibigan si Grace. Mas makikilala nyo sya sa mga bago nyang blogs. Magaling siyang sumulat din sa Tagalog at isang magaling na manunulat pagdating sa mga sulating teyolohiya. Yun naman talaga kasi ang forte nya. 

Siya, eto na ang kanyang mga blogs! Sana'y mag-enjoy din kayong subaybayan ang mga akda niya:


Photobucket

Mar 26, 2012

Abalang Muli ang Beauty Ko

Hello mga blogkada!

Una ay gusto kong humingi ng paumanhin sa mga hindi ko pa pagbloghop sa mga entries ng Happiness Meme. Ilan pa lang and nadalaw ko pero huwag mag-alala dahil babalikan ko kayong lahat soon!

Medyo bigyan nyo muna ko ng kaunting panahon ngayon at bisi-bisihan ulit ang beauty ko this coming week. Hindi pa halos nakapahinga mula noong graduation ni hubby at sinundan agad naman ng preparasyon para sa Anniversary ng church nung Linggo. Nagbantay sa Ninang kong may sakit sa Manila Doctors kagabi, kahit na puyat ang beautyness monster ng lola nyo ay gumora pa din sa immigration today para naman sa renewal ng visa ni hubby. Well, eto kadarating lang namin dito sa bahay and it's nearly 11pm now. Bukas naman ay sa Tagaytay muli ang tungo ko kasama si Hubby para sa church conference na gaganapin hanggang Huwebes ng hapon. Ang hectic mga teh diba? Jusme talaga.

Pero wag mag worry sapagkat kahit na bisi bisihan eh makakahanap din Ako ng time mag blog at makachikahan kayong muli. Babawi na lang Ako mga kagandahan ah? At babalikan ko ang inyong mga happiness entries. Salamat sa walang sawang pagdadalaw at pagkembot ninyo sa mga blogs ko!
Mamimiss nyo ko alam ko yan. Hahaha! Mahilig talaga ko umechos.

Hanggang sa muli!!!

Mar 23, 2012

Gumradweyt na si Hubby!

Walang mapagsidlan ang saya ko nang sa huling minuto ay nakompirma na gagraduate na ngang tunay si Hubby! Sa totoo lang, mula nung nakaraang Linggo pa hindi makatulog ang asawa ko kasi may isang subject pa siya na hinihintay ang grade. Nasa US na kasi yung professor na yun at thru email na lang pinasa ang papers nya. Umuwi ng US si Sir Matheny dahil  nagtuturo din sya sa isang seminaryo duon. At iyon nga, naglabas ng unang list ang school ng graduating class, wala ang pangalan nya doon!

Lunes, nag-email si prof at nangakong ifoforward na ang grade. Yun na lang talaga ang hinihintay! Deliberation ng Martes, wala pa ding naifoforward na grade. Siguro busy si prof kaya inemail ulit ni Hubby. That was 3 days before the graduation day!

Pagkatapos ng deliberation nung Martes, nagpaskil ulit ng list ng mga siguradong gagradweyt, wala pa din ang name ni hubby. ;( Gusto ko na din umiyak kasi baka hindi nga talaga makagradweyt pero siyempre puro pang-iencourage pa din ang lumabas sa magandang asawa. (nagawa pang umechos??) Hahaha!

Pero eto, Miyerkules ng umaga, ginising ko siya nang may bonggang bonggang smile! Sabi ko, punta na kami sa mall at bumili ng barong na gagamitin nya sa graduation. Hindi pa man kami sigurado dahil wala pa ngang grade, eh nagpunta na nga kami ng mall para bumili ng barong BY FAITH! Kay buti ng Panginoon! Pagkatapos naming bumili, pumunta si hubby sa registrar upang magconfirm, sa habag ni Lord ay umokey na nga. Natanggap na nila ang grade galing kay prof at tuloy ang ligaya! 

Ta-dah! Ayan na ang hubby ko! Marching with pride!
 
 Siyempre pa ang proud wifey kasama at ang mga pastor na sumuporta!
Dumirecho sa Tagaytay with supportive and kind professors to hubby.
Hubby earned a degree of Bachelor of Theology. Praise the Lord. Sa pagtuntong nya sa Masteral ay magpatuloy ang katapatan at kasigasigan. Dahil sa mga nangyari, muli naming napatunayan kung gaano kabuti ang Panginoon basta't manatiling nakakapit nang may buong pananampalataya at walang pag-aalinlangan. Amen.

Share ko sa Happiness is!
Photobucket

Mar 20, 2012

Hindi Na Nga Talaga Ako Bata

Hello mga blogkada, namiss ko kayo ha? Nagmumuni-muni lang naman ako dahil sa mga kaganapan sa buhay ko at ng mga kaibigan kong naging kasama ko sa lakbayin ng buhay ko.

Una na dyan ang makita kong ikinasal na din ang isa sa mga itinuturing kong kapatid. Actually, tatlo kami. Sila sina May at Grace. 


Marami kaming mga pinagdaanang saya at kulitan nung nasa dorm pa kami way back college life. Naalala ko, kapag panahon na ng chapel service na ginaganap ng Martes at Huwebes, gabi pa lang, nagdi-dress rehearsal na kami! Meron kaming malaking salamin sa dulo ng pasilyo ng dorm kaya alam nyo bang rarampa ang mga lola nyo papunta sa salamin para lang naman masilayan kung ano pag-iitsura namin sa mga damit. Haha.. Nariyang sabay-sabay din kaming maligo ng hubo't hubad, ayan, wala talagang keme yan ah?! Talagang wala na kaming itatago sa isa't isa. Kung minsan pa nga dahil nasisikipan kami sa mga shower cubicles, mismong sa entrance ng bathroom na kami naliligo. At siyempre, makikita agad kami ng mga gustong umihi dun kasi sa tapat lang din ng toilet cubicles ang kinaroroonan namin. Ang saya! Pano, eh sila pa ang nahihiyang tumingin samin? Eh bakit ba kasi? Pare-pareho naman may kung aneklabum sa katawan! Pero wag ka, jumoin din sila nung huli! Kakaloka! Para kaming nagmistulang magkakakosa sa kulungan. Hahaha! Ay jusme, marami kung iisa-isahin. 

Naikasal na din si May nung Biyernes lang. Ang ganda ganda nya at talaga namang napakasaya at napakaingay ng kasal nya. Kung pwede nga lang tumambling dun ginawa ko din eh. Pero siyempre inisip kong nakapalda nga pala ko ng bongga. So, di ko na tinuloy. Nagcheer na lang ako ng wagas para sa kanya. Meron pa isa, si Grace na nag-Rank 1! Topnotcher sa ordination exam nila. At magiging ganap ng Reverendo soon! Proud na proud akong kaibigan!

Sa lahat ng mga pangyayaring ito, naramdaman kong tunay ngang di na kami bata. Masarap alalahanin yung mga bagay na nakaraan. Mga kulitan at sayang kabataan. Kung pwede lang manatiling bata for life, why not?? Pero sadyang ganun ang buhay. Ang masaya, sa bawat pahina at yugto, may magandang nakasulat. Bow!
Photobucket

Mar 12, 2012

Antok Ka Noh??

Alam ko, at huwag na ninyong i-deny na naranasan nyo na ang mga palatandaang ito. Eto, tingnan nyo at alalahanin ang mga palatandaang antok ka pa o antok ka na nga at kailangan mo lang itulog yan. ;)

ANTOK ka na nga…
  • Kapag nanonood ka ng paborito mong telenovela at pinipilit ibukas nang todo ang mga mata dahil sa ayaw mo lang mamiss ang episode ng gabi.
  • Kapag may nagtanong sayong, “Antok ka na?” at “Hindi pa noh?” ang sagot mo, sabay tindig tapos uupo din naman ulit at pipikit-pikit ulit ang mata.
  • Kapag nagluluto ka sa umaga at parang nananalangin sa harap ng niluluto mong pritong itlog o hotdog.
  • Kapag lumabas ka ng kuwarto at tinanong ang sarili, “Saan nga ba ko pupunta at anong kailangan kong kunin?” sabay kamot sa ulo.
  • Kapag nasa klase ka, at kunwari tutok na tutok ka sa mukha ng teacher mo pero nangingindat na ang antok mong mga mata.
  • Kapag may kausap kang sobrang nakakaboring ang kuwentong sinasabi nya at oo ka na lang oo pero nang-iirap ka na pala kasi antok ka na.
  • Kapag nagsesermon ang pastor at ang akala ng mga tao sa likod mo sumasang-ayon ka lang lagi sa sinasabi ng pastor dahil sa katatango mo hanggang dibdib.
  • Kapag nagmumukha nang lasing ang mga mata mo sa harap ng computer o laptop mo pero ayaw mo lang mahiga dahil nga nagfefacebook o nagbablog ka pa!

O natuwa kayo noh? Ako din eh. Naisip kong isulat kasi alam kong makakarelate kayo. So anong maidadagdag nyo? Hahaha! Sulat!

Mar 2, 2012

Oh Tawas! Di Ko Akalain!

Mga blogkada, sabi ko na sa inyo eh. Masaya ang huntahan dito sa Tagalog blog ko. Nagagalak ang puso ko nang wagas dahil sa dami ng kumentong natanggap ng aking akda tungkol sa tawas. Kung hindi mo pa nababasa, ETO basahin mo. Kunin ko na din ang oportunidad na pasalamatan ang mga commenters sa tawas post na yung iba ay di talaga umalis ng di kumumento. Bongga kayo!

Napatambling lang naman ako sa tuwa at wagas na halakhak ng maisip kong ichek ang stat ng blog na to. Kasi sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na ito ang umaani ng bisita at readers ngayon among my other blogs! Take note! PR2 na bonggang bongga eh wala naman halos seryosong usapan at mapupulot dito diba? Dinaig talaga ang mga English blogs ko! Kasi PR1 lang inabot nila eh.

So eto, para na din maliwanagan kayo. So far, ang "Kwento ng Durog na Tawas" ang may highest rating at dalaw! Eksaherado man pero ang saya-saya ko na pumalo sya ng kulang kulang 100 views na di ko naman talaga inaasahan. Gusto ko lang naman magkuwento. Haha. 

Salamat na din kay KM at sa Happiness Meme nya at nakapag-ani ng readers ang kuwento ko. Mangyaring ICLICK na lamang ang photo para makita nang lubos.

But wait! There's more! Tingnan nyo nga naman at marami din palang nagreresearch tungkol sa tawas. At please, please, tignan sa gawing baba ng larawang ito kung ano ang mga hinahanap nila at nagawi sila sa post na to. Ayan, kayo na ang humusga! Hahaha!



Photobucket

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...