Dec 28, 2012

Pasko Kasama ang Pamilya

Isa sa mga magagandang ugali nating mga Pilipino ang pagiging mapagmahal sa pamilya. Ganun na lang ang pagmamahal natin sa pamilya na may mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyang kaginhawaan ang buhay ng mga mahal sa buhay kahit katumbas nito ang pagkakalayo sa kanila. Ngunit anu't ano pa nga ba ay malayo man, may cellphone at skype na para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon ng live! Happiness much na yan.

Napakasaya ko lang na itong Paskong ito nagkaroon ng pinaunang Christmas celebration ang pamilya ko na naiba naman ang venue. Sabihin na nating first outing ito para sa pamilya. Yung mga nakaraan kasi ay puro pang-angkang lakaran. Kaya true happiness ang nangyari. Hayaan nyong ikuwento ko.

Ako at ang kuya ko ay nagtawagan ilang araw bago sumapit ang Pasko. Dahil sa sila ng kanyang asawa ay nakatira sa Batangas, napag-isip isip nya na ngayong taon ay sila naman ang maghost ng gathering. Ibig sabihin, lahat sa family ay tutungo doon at makisalo sa celebration nila. So, dahil sa alam naming hindi keri nila mama ang bumiyahe ng malayo dahil sa laki din ng pamasahe mula Cavite papuntang Batangas para sa pitong katao, ako na ang umako sa parteng ito. With matching lambing ay hiniling ko ang asawa kong mahal na hiramin ang revo ng aming ninong upang ipagdrive nya na din lahat kami. Masayang inako ng mahal na asawa syempre ang munting kahilingan ko. At yun nga ang nangyari. Sapul na marinig nila Mama ang aming kaplanuhan ay super excited much na ang lahat sa bahay.

Araw mismo ng Pasko nang kami ay tumungo upang sunduin ang excited na pamilya. Isa isa na silang gumayak at hinanda ang mga gadgets na may pampiktyur chorva. May ilang regalo at share din para sa dadatnan doon.

Pagdating ng Batangas, naging masaya ang kainan. Naging pagkakataon na din iyon upang magmeet ang mga in-laws ng kuya at aming mga magulang para sa unang pagkakataon dahil sila ay nanggaling pa sa Amerika. Mayroong lechon, pansit, cake, caldereta, laing na paborito ng lahat, leche flan, fruit salad at marami pang iba na masarap na pinagsaluhan ng lahat. Kinagabihan noon ay natulog kami sa resort na ilang minuto lang ang layo. Kinaumagahan ay nag-enjoy naman sa swimming pool kahit pa malamig ang panahon at manaka-nakang umuulan.

Napakasaya ngang tunay na magkaroon ng ganitong experience ang pamilya . Ang totoo nyan, natutuwa ako at natupad na din ang wish ko na dalhin ang pamilya ko sa malayo at ito na nga yung pagkakataon. Kitang kita ko ang saya sa kanilang mga mata at ramdam na ramdam ko ang naging change nito sa kanila. God is good ika nga. It was a great and happy experience. Salamat sa Panginoon sa mga biyaya at di matawarang ligayang dulot nito.

Aking hiling na sa darating na bagong taon ay mas ibuhos ng Panginoon ang biyaya sa akin, sa iyo at sa pamilya ng lahat sa mundo!

Advance HAPPY AND BLESSED NEW YEAR, aking mambabasa! Hanggang sa muli!

Photobucket

Sep 18, 2012

Nais Kong Mabigyang Linaw

Hiatus nang matagal ang beauty ni Ningning dito mga blogkada. Pasensya na kayo. Ito ay dahil napakarami ng mga responsibilities at priorities ang inaatupag ko ngayon.

Isama nyo pa dyan ang pagkakasakit ni Hubby lately. Nagpapasalamat kami't nailabas na sya kagabi. Masigla na sya't may ngiti na din.

Mayroon lang akong hindi maintindihan. Alam kong may mga dapat kaming bayaran sa pagkakaospital ng aking asawa due to engue fever. Umabot kami ng 4 na araw sa naturang ospital hanggang sa bumalik na sa normal ang platelet count.

Ang tanong ko lang, bakit umabot ang bill ng humigit P12,000? Eh may healthcard naman kami. Rest assured kami na mga gamot at miscellaneous lang sana ang babayaran namin dahil pati ang doktor ay covered na ng Fortune care card namin. O sige, hindi nga member ng philhealth si Hubby, pero bakit ang portion nito ang pinakamataas sa lahat na umabot ng P5,500???

Nagdemand kami ng itemization ng bills. Alin alin ang naicover ng health card at alin alin and due for the patient. Kasi yung SOA ay hindi transparent. Hindi duon nakikita ang naikaltas ng HMO. Lahat due sa patient???

Isali pa dyan ang tumataginting na Professional Fee ng doktor na P5,100? Aba, nakakapagtaka lang na kaya nga siya ang pinili dahil nasa list siya ng Fortune Care doktors. We demanded for a black & white mula sa doctor para ng sa gayon ay makuwestyon namin sa Fortune Care bakit lahat yata ay may charge kami? And you know what? The doctor cancelled the amount for her. Hmmmm. Anung ibig sabihin nito?

And lastly, ganun ba talaga kataas ang portion ng Philhealth? Na mas higit pa sa kalahati ng hospital bill? And is it the doctor's choice to ask for excess fees kahit na covered sya ng health card?

Para masagot ko ang mga katanungan na yan, pupunta ako sa Philhealth at sa tanggapan ng aming health insurance company upang mabigyang
Iinaw ang mga ito.

Kayo anu sa palagay nyo ang nangyayari?
Photobucket

Aug 30, 2012

Balita sa Radyo at TV

Naramdaman mo na ba minsan na parang hindi buo ang araw mo kung di ka nakakapakinig, nakakapanuod o nakakabasa ng mga pangyayari sa yong paligid?

Well, nasa ganyang estado ako ngayon. Sige inaamin ko na tumigil ang pagkahilig kong manuod ng TV simula nung elementary pa ko... na ang bawat palabas na yata at pagkakasunod-sunod ng programa ay alam ko. Ito yung mga panahong sumikat ang Princess Sarah, Mara Clara (Juday and Gladys days), G-Mik, Tabing-Ilog, Remy, at kung ano ano pa sa mga taong 90's. Tanungin nyo ko kung sino ang gumanap sa mga palabas na nag-air sa mga panahong yan at masasagot ko kayo. Hihi. Siguro talagang hilig na nating mga Pinoy ang manuod ng telebisyon kahit pa nangangapitbahay pa ako nun makapanuod lang.

Ang kaibahan nga lang, nung mga panahong yun ay di ako mahilig manuod ng balita. Sino nga namang bata ang mag-eeffort buksan ang TV kapag TV Patrol ang palabas, diba? I'm sure, kahit ikaw na nagbabasa nito ay guilty pagdating dyan. Pero masayang tututok na kapag patapos na ang balitang programa. O diba?Ganyan ka din? Kung meron man, maaaring mangilan-ngilan lang.

Iyan naman ang kinabaligtaran ng sitwasyon ngayon. Hindi nako first honor kapag tanungin ako ng mga palabas sa TV ngayon. Hindi na kasi ako nakakapanuod simula nung umiral na ang internet. Sa internet kasi, andun na lahat ng replays ng mga inaabangang teleserye at paboritong programa. May TV kami pero hindi sya nagagamit ngayon dahil talagang wala lang siguro na kong hilig manuod. Pero isang laking tulong din ng internet na sa isang click lang ay updated ka na sa lahat ng nangyayari, mga uso at mga bagong 'in' at napapanahong usapin ng bayan at ng mundo. Naging mas partikular na sa akin ang mga balita kesa sa mga teleserye. Pero paki-spare ang Be Careful with My Heart ni Sir Chief Richard Yap at naku, masugid ko yang sinusubaybayan. Hehe. Oo na, mas type nyo ang "Walang Hanggan". Tagos ba?

Well, anu nga ba ang repleksyon ko? Isa lang. Nagkakaedad na ngang tunay si Ning. Pero hindi ko sinasabi na yung mga talagang may hilig sa balita nuon pa man ay mature na. No. Hehe. Napagtanto ko lang na ako ay isang tipikal na batang Pilipinong lumaki sa trend ng panahon ngunit, datapwat, subalit ay late bloomer! Late ako sa development ko kesa sa edad ko. Anu't ano pa man. Natutuwa ako na kahit ganito ang buhay ko, ako ay masaya, may pag-asa at laging positibo sa buhay. Hindi ko nga ramdam kung minsan na may-asawa na nga pala ko. Hihi. Opo. Yan si Ningning.

Ikaw? Kamusta ka? Maaari mo bang ibahagi kung sino ka sa iyong sariling pagtingin?
Photobucket

Aug 25, 2012

Ang Dream Piano, Reality Na

A few years ago, nang makagraduate ako and earned a degree in Music, naging isa sa mga pangarap ko ang magkaroon ng sarili kong piano. Ito ay dahil na din para mahasa ako sa pagtugtog lalo na at kailangan ko pa ang matuto. Maigi na lang at halos linggo-linggo ng buhay ko, nakakapagpraktis ako sa church.

Pero hindi ko inaasahan na sa biglaang oras at panahon darating at magkakatotoo ang pangarap nato. Hindi man siya yung piano na ganun kamahal pero nagpapasalamat ako nang sa halagang Php29,000 ay makakagamit na ako ng kasintunog at katiklado ng piano! Electronic piano ito na 6 octaves ang haba at mayroong halos 80 tones na pwedeng pagpilian, plus SD card outlet na maaaring pag-imbakan ng mga piece records at talaga namang pangmatagalan ang quality. Mas masasabi ko pang mas masaya ako sa pianong ito dahil sa versatility niya at sa dami ng functions. Idagdag pa dyan ang wagas na discount na halos limang libo din from the original price! Tingnan mo nga naman kung gaano kabait si Lord at masusurpresa ka na lang.



Ngayon, masasabi kong isa ako sa pinakamasasayang tao ngayon dahil sa unexpected blessing na ito. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa church para magpraktis lalo't ako ngayon ang pianist for 3 months at nagtour sa Europa ang aming pianista.



Salamat Lord! Ikaw na! Ikaw na talaga!
Photobucket

Jul 24, 2012

Sapatos. Sapatero. Repleksyon

Nang ako ay nagsimulang maglakad at baybayin ang daan papuntang college ngayong araw, may mga bagay ang tumatakbo sa isip ko. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, napansin ko na sira na ang dulo ng takong ko.  Naisip ko agad agad na kailangan na ng atensyon ng sapatero ang mga takong ko. Hindi pa naman gaanong sirang sira na masasabi pero lumilikha na sya ng ingay kesa sa pangkaraniwang tunog lang. Sa Biyernes na darating, dadalhin ko ang naturang mga sapatos na ito sa Manila nang maipagawa na sa sapatero na ilang hakbang lang ang layo sa simbahan.



Ano naman ang repleksyon ko?

Kung maaalala nyo, kamakailan lang ay nagsulat ako  ng blog na puro rant, galit at inis. Muli, pagpasensyahan nyo na. Talagang kinailangan ko lang ilabas at masakit na sa dibdib. Pero alam nyo nakatulong. Katulad ng sapatos ko, ako ay napudpuran na ng takong. What I mean is, pasensya. Matibay na klase ng sapatos ang mga sapatos ko pero ngayon lang ulit sya napudpod. Napag-isip isip ko lang na ang tao ay para ding sapatos. May mga panahon na kahit gaano ka pa katibay at mahaba ang pasensya, darating at darating ang panahon na mapupudpod ka. Pinanday ka man ng Diyos na maging isang mapagpasensyang tao, still, hindi iyon guarantee na sa lahat ng panahon ay magpapasensya ka. Katulad ng sapatos ko, ako ay nanatiling tahimik sa napakahabang panahon. Pero katulad din nito, lumikha na din ako ng ingay. Ingay na dapat ilabas para naman ako ang makalaya. Isang paalala lang din ito na ako din ay nangangailangan na ng sapaterong huhubog sa aking muli na maging mapagpasensya at matibay at may kahinahunan ng loob. Salamat na lang at may mga ganitong repleksyon. Natututo akong lalong maging isang Kristyano sa kahit na anong oras. Ang pinagpapasalamat ko ay napalaya ko din ang sarili ko at ngayon ay happiness na!

Nalaliman ba kayo sa akda ko ngayon? Kayo nang bahalang humalukay ha?

Ikaw? Kelan ka nangailangan ng sapatero sa buhay mo?

Photobucket

Jul 20, 2012

Masakit sa Ulo!

Ni minsan ay di ko inisip na magsulat ng mga nararamdaman ko kung maaari lang lalo na kung puro negatibo din lang. Pero sa mga araw na tiniis at tinimpi ko yung feeling na alam kong sa puso ko ay di ako okay, pinagbigyan ko na ang sarili kong ilabas dahil baka makasakit lang ako ng kapwa ko kung patuloy kong kikimkimin. Kaya pagpasensyahan nyo na kung may mga rants ako ngayon. After all, kailangan ko lang talaga ito.

Hanggat maaari, gagawin kong mabuti ang sarili ko sa pakikitungo ko sa taong ito dahil may respeto pa din naman ako at ayokong mag-initiate ng gulo. Minsan naaamaze lang ako na may mga tao talagang pupunuin ka, noh? Na maiisip mong nagawa nila yun? Inaabuso na ko kung ganun! Kung tutuusin, di ako palaaway. At hangga't maaari nga dadaanin ko sa maayos na paraan. Kung makakapili lang ang ako ng karakter ko bilang tao, pipiliin ko yung tipong with strong personality. As i really admire those kinds of people. Ako kasi, kailangan ng matinding effort ang magcommand, o kahit minsan wag mag-apologize. Sabi nga sa result ng psychological exam ko, i am a very relaxed person and a peacemaker. Natural sa akin ang magretreat at pahupain ang temper ng tao. Nakakapanggalit lang na people will take advantage of that because they know that I am not such a person who'll be mad. Pero mali ang sapantahang yun. Ako man ay tao din. Nagagalit at nasasaktan. Kaya makinig kang mabuti.... "Isang paghihiya mo na lang, di ka pa tapos sa sinasabi mo, BINGO ka na."

Sa bagay na ito, isa lang ang natutunan ko. Difficult people are INDEED difficult to manage. You are an item in my prayer since the beginning of time. And I am still praying that there will be a turning point for you to reflect why you dont have friends and see what's behind that trivia. See? May hope pa din kami sayo? We tried our best to understand you and even sympathize with you kapag malungkot ka at nag-iisa pero sadyang hindi nga overnight ang pagbabago. Sooner or later, babalik sa dating gawi. Ang hirap at nakakastress! Ang sakit sakit mo sa ulo!!! So, I might as well have to tell you straight that you are being sooo controlling to us. (still, with respect at diplomasya) At depende yan sayo. Sana nga itrigger mo na, nang ako naman ang makapagpalaya ng sarili kong ipahayag ang nasasaisip ko. Well, naniniwala akong ang Diyos lang ang makakapagpabago sayo. For now, I'd like to calm down. I feel like I'm so tired and angry. Im trying not to be mad at you but for what you are doing. Sana naiisip mo din na may mga bagay na di lagi naaayon sa kagustuhan mo. At higit sa lahat, kung gusto mong manatiling may kaibigan.... Then try not to push them away. Ikaw lang ang puno't dahilan ng lahat. GETS MO???


Photobucket

Jul 17, 2012

Diyeta!

Isa sa mga dahilan kung bakit ako hindi ngayon nagpapapicture ay dahil sa mataba na ako. Exaggerated daw ako mag-isip dahil okay pa naman daw. Pero para sakin, hindi ko na keri ang weight ko ngayon. Nararamdaman ko na ang hirap ng paggalaw at sumasakit din ang mga paa ko pag minsan. Well, hindi pa ko buntis kung yan ang nasasaisip ninyo. Sapagkat sa ngayon ay wala pa kaming plano dahil meron pa kaming nais gawin sa taong ito. At konti na lng na paghahanda para sa masayang biyaya na yan. Kaya ang peg ko ngayon ay magdiet.


Kanina lang ay nagshopping kami ni Hubby. Gumawa ako ng diet menu plan na susundin namin. Of course lahat ng nutrients at vitamins ay considered. May meat pa din naman but strictly no frying for the meantime. More on fish at veggies and fruits plus walking sa gabi. And yes! Brown rice at in fairness, mura pala ito. Ang katunayan ay mas mahal pa ang regular rice!

Natutuwa lang ako na sa wakas ay sinisimulan na namin ang diyeta na matagal ng plano at bukambibig. Ngayon, I'd like to feel great and look great at the same time. And the best way to achieve it is to eat a well-balanced diet. Isa na din ang kagustuhan ko na maalagaan si Hubby dahil sa wala na siyang gall bladder kaya ang bilis ng pagtaba nya.

So wish us happiness sa magiging result! Excited na ko at talaga namang full of motivation kami. Tuloy tuloy na ito at wala ng atrasan!

Ikaw kamusta ka?

Hanggang sa muli!
Photobucket

Jun 20, 2012

Cabanatuan City: Ang Tricycle Capital of the Philippines

Hello mga blogkada! Kamusta kayong lahat? Dekada na simula nung huling post ko dito. Eto na.. Narito nakong muli at magkukuwento ng mga bagay bagay tungkol sa lugar kung saan kami ng aking asawa ay lumipat. (winks!)

Narito na kami ngayon sa Cabanatuan City! (with matching pakaway-kaway ng kamay) Sa ilang araw pa lang ng pamamalagi namin dito, may mangilan-ngilan nang mga bagay ang natuklasan, nalaman at nadiskubre si Ningning.
Cabanatuan City
Una, ang Cabanatuan City ay isa sa mga pinakamaiinit na lugar sa Pilipinas. Ito ay dahil na din sa kapatagan ang lugar na ito. Lalo pa't narito kami sa City proper ng Cabanatuan, asahan na ang mga establisimiyentong naitatag sa lahat ng bahagi ng lugar kaya bihirang bihira na ang mga puno at halaman. Bagay na nakapagpainit sa lugar dahil walang mga punong makapagbigay ng hanging malamig at malinis. ;) 

Pangalawa. Napakainam malaman na ang Cabanatuan City ay ang "Tricycle Capital of the Philippines"! Hooray! Nakakatuwa na ang nagsisilbing taxi ng mga tao dito ay ang traysikel. Kabuhayang maituturing para sa mga tricycle driver. Ang pinakamababang singil ay tumataginting na trenta pesos! Mas nanaisin mo nga namang sumakay na lang ng traysikel kaysa sa maglakad sa sobrang init kahit pa may payong. Sasakit lang ang ulo at nakaka-drain lalo ng energy.


tricycle na hiram kay Google
Alam nyo ba na ayon sa survey, mayroong 38,202 na registered tricyles dito? Hindi na nakapagtataka na ang bubungad sayo ay traffic. Trapik sa nagsisi-alpasan at singit nang singit na mga traysikel at jeep sa lugar.  Hindi lang yon, dahil nga sa trapik na naidudulot ng sangkarumakot na bilang ng traysikel ay napag-isipan ng gobyerno na magkaron ang mga traysikel ng 'color coding'. Toinks!

Pangatlo. Kung ang Pampanga ay kilala sa mga Mekeni products, ang Cabanatuan naman ay kilala sa popular nitong Batutay! Yan ay yung longganisa ng Cabanatuan. Masarap daw yan. Bibili pa ko nito para mapatunayan ko na nga. Kung naaalala nyo yung pelikula ni Juday at Ryan na "Kasal, Kasali, Kasalo", dahil ang pamilya ni Juday doon ay nag-originate talaga dito sa Cabanatuan, pagtitinda ng batutay ang negosyo ni Gina Pareno (nanay ni Juday sa pelikula). Buti na lang at naipalabas yun, kung hindi ngayon ko lang din ulit malalaman. Hahaha!
ang batutay
O sya, sa susunod na ulit ang ilang trivia. Buti na lang at hindi mainit ang room na narentahan namin. At super tahimik na di maririnig ang mga traysikel na maya't maya ang harurot sa labas. 


Hanggang sa muli!

Photobucket

Jun 2, 2012

Ang Bagong Tahakin ni Ningning

Hello mga blogkada. Kamusta na kayo? Medyo natagalan ulit ang beauty ko na magkuwento dito. Eto nakong muli.. Nagbabalik!

Eto ko ngayon, na supposedly nag-iimpake pero tinigil na muna at talagang di ko alam bakit tinatamad ako. Siguro talagang may sakit ako pag June. Kasi it's like every year in the month of June, naglilipat bahay ako.

2009 - nagrent ako ng bedspace sa Manila which is malapit sa school na pinagtuturuan ko.
2010 - naman from Manila to Pasay dahil nailipat ako ng school. Yan ang buhay ko, nakasalalay sa bossing at kung ililipat, walang reklamo. Go lang.
2011 - ayan! Ang pinakahappy na paglilipat dahil bagong kasal kami ni hubby. So, from Pasay to Cavite. Nagleave muna from work at nagsideline sideline at inenjoy ang first year ng married life.
2012 June - Ngayon na yan. Ngayon na kasalukuyan akong tumitipa ng mga letra na to. Akalain mong ganyan kabilis ang paglipas ng panahon??

Dapat ngayong June, babalik ako ng work. Medyo nakakapanghinayang din at expected na ng director ng school na babalik ako this year. Pero mas minabuti kong pagpasyahang mag-aral pa ng ilang units para maipursue ko na ang LET. Buti na lang nasabi ko agad at nakapaghanap sila ng bagong music teacher. I was so blessed din at natutuwa dahil nung time na nagdemo yung dalawang applicants, i was asked to be there and evaluate them. Ang kagandahan naman pareho silang natanggap at yung isa ay part-time teaching lang ang inaplayan.

So far, ang buhay ko ngayon ay may panibagong yugtong tatahakin. Alam kong mainam na din ang mag-aral habang wala pa kaming anak ni Hubs. At magiging mas mabuti din ang magiging profession na tatahakin ko pagkatapos kong gumradweyt. Alam ko din, na isa itong bagong hamon, hindi lang para sa akin kundi sa aming mag-asawa dahil pareho kaming mag-aaral ngayon. Tutulungan din naming makapasok this year ang kapatid ko at susuportahan na din. Hindi pa namin alam kung saan huhugutin lahat ng magiging gastos. Isa lang ang alam namin. Walang imposible sa Panginoon. Ang lahat ay kontrolado nya at ipagkakaloob nya hanggat kami'y naglilingkod sa kanya.

So, this is it! Sa Lunes, panibagong buhay at lokasyon. Totoo na talaga to. It's moving time and look forward na to the future. Wish me luck and happiness!

Ikaw? Anong bagong tahakin mo ngayong June?


Photobucket

May 15, 2012

Ang Pangakong Kanta Para Kay Krizza

Hello mga blogkada! Lalong lalo na sayo Krizza at pati na din kay KM. Ito na yung pinangako kong kanta para sayo at sa lahat ng OFW. Sana ay maibigan nyong tunay ang alay kong awit. Grabe, ang lalim ah? Hahaha!

So, this is me doing a cover of Yeng Constantino's song entitled, "Hawak Kamay". And thank you google for the chords. I hope that I justified the song too kahit na nanginginig. Enjoy!!!

For song requests, isulat lang sa comment sa baba. Haha! Feelingera lang.


May 2, 2012

May Tanong Ako Sayo Blogkada!

Haller mga Blogkada!

Halika at tulungan mo kong alamin ang mga gusto kong alamin na kayo lang ang makakapagsabi. Hanu daw?! Excited much ako sa survey na ito. Mangyaring um-enter lang sa survey window sa baba at pasayahin si Ningning! Tenchu in advance!


Create your free online surveys with SurveyMonkey, the world's leading questionnaire tool.

Photobucket

Apr 27, 2012

Munting Pangarap ni Ningning

Hindi ko alam kung bakit ang mga naiishare ko dito ay yung mga kwentong maliit pa ko kasi nga malaki na ko ngayon. Ewan ko ba kung bakit palagi kong naaalala yung mga kaganapan nung bata pa ako. Siguro yun na nga yung tinatawag nilang, fulfilled daw ang slot na iyon ng aking buhay. Kumbaga, punong puno at super naenjoy. Korek yan. At ako ay isang buhay na patotoo pagdating sa mga karanasan at kwento.

larawang hiram kay Google
As far as I can remember, (naks, Ingles, pakibulsa na lang) simple lang akong bata. Mababaw ang kasiyahan, mabilis tumawa, mahilig maglaro at simple lang din ang pangarap. Dahil nga sa Bicol kami nun nakatira ng pamilya ko, kung saan ang lahat ng bagay ay pwede mong lakarin. Malapit sa iskul, sa palengke, sa simbahan, sa perya, sa swimming pool na nilulumot na sa halagang limang piso lang ay makakaswimming ka na, at sa hospital na halos sa isandaang steps lang ng maliliit kong biyas ay makakarating na ko. Ganun ang aming maliit na town. Ang totoo nyan, hindi din kami nakakasakay ng dyip noon kasi nga di naman kailangan. Dahil di mo kailangan lumabas ng maliit na town na iyon dahil andun na lahat ng kailangan namin. Mayaman na ang tingin sayo kung nakasakay ka ng traysikel galing sa palengke. Naku, parang may nabubulok na bagoong sa kumpol ng tao na sasalubong sayo pagbaba ng traysikel at pag-uusapan lang naman ang mga ipinamili mo. May maririnig ka pang tsismosa na, "ay dumating na nga ang Papa nila galing Maynila. Makapangutang nga mamaya". Naiimadyin nyo na ba ang setting? 

Oo, ganyan sa aming baryo noon. Ang mga tao, dahil nga sa maraming taon na nandun sila at ang pagluwas ng baryo na yun lalo na ang pagluwas ng Maynila, ay isang napakalaking akala, na ang makagawa ay mayaman. May pera. May datung. Dahil nga ang Papa ko nun ay dito sa Maynila nagtatrabaho at every other month ang uwi doon sa amin, naku pow! Asahan nyo na every other month din marami akong kalaro at kabati at every other month din maraming kaibigan si Mama. Pano, may mauutangan na naman sila. Inggitan din noon sa  compound na tinitirhan namin. Nung nagpundar kami ng TV, aba, isa isa na din nagkaroon ang iba. Nauso ang telepono, may gey-un na din sila. Pati component at electric fan.. Name it!

Dahil nga simpleng simple lang ang buhay namin noon, hindi ko din inisip na mangarap ng matayog. Pangarap ko lang noon maging maging cashier kasi tayp na tayp ko ang magcompute sa calculator. Kahit anong paraan ng pagrerequest ko nun kay Mama na bilhan ako ng calculator ay di umubra. Kaya ang ginawa ko. Naglalaro na lang ako mag-isa na kunwari nagpa-punch din ako ng mga items at magbabayad sila sakin at susuklian ko naman. Ganun lang ang buhay ko. 

Pero nung naisipan na nila Papa at Mama na enough na yung panahong nanirahan kami sa Bicol, lumipat na nga kami ng Cavite. Gumradweyt ako ng Grade 6 dito na din sa Cavite at nakita ko kung pano lumawak ang mundo ko. Mas marami nakong naging kakilala at kalaro at natuto na din mag-Tagalog. Alam nyo kasi nung nasa Bicol kami, kapag may taong nagsasalita ng Tagalog, mayaman agad ang nasa isip ng mga tao at galing sa Maynila. Ganun! Haha. Pero nagpapasalamat ako dahil sa mga naranasan ko dun, nakita ko kung sino ako at nagpapasalamat ako sa mga nangyaring pag-unlad sa buhay ko. Kuntento ako sa kung anong meron ako dahil mabuti ang Panginoon. Hindi man ako naging cashier pero naranasan ko din naman magcompute ng grades sa calculator nung naging teacher ako. O diba? Lumevel up pa!

O siya, naisip ko lang isulat at ishare ang munting Happiness na ito to everybody!

Hanggang sa muli!
Photobucket

Apr 26, 2012

Sakit-Sakitan


Nitong mga nakaraang araw ay nawalan ng boses ang inyong abang lingkod. Nagkaroon din ng lagnat noong Lunes although magaling na ngayon. Yun lang, ang boses na ginintuan ay nagtago ng ilang araw. Maigi-igi na ngayon habang sinusulat ko ang post na to ay may lumalabas nang boses kahit papano pero sadyang paos pa din. Mas malala kahapon at noong Lunes na lahat ng kumausap sakin, mas minabuti nang huwag akong tanungin ng kahit na ano kasi sila ang nahihirapang makinig sa sagot ko. Sabi ko nga sa kanila, lahat ng sasabihin ko ay sekreto dahil sa pabulong na paraan ko lang magagawa. Kaya mapagkakatiwalaan ako ngayon ng sekreto pramis. Hahaha! 

Ang totoo nyan, namiss kong magblog. At humihingi ako ng paumanhin muli sa mga di ko pa nababalikang pagbisita lalo na sa mga entries ng Happiness meme. Hwag mag-alala at ako'y nagbabayad ng utang. Mamamalayan nyo na lang ang pagsulpot ko na parang kabute sa inyong mga blogs. 

Sana lang talaga ay bumalik na ng bongga ang boses ko. May raket pa naman akong kakantahan sa Sabado. Pero sa lagay ng boses ko ngayon, baka hindi ko yun magampanan. HUHU. Kaya nga ba faithful akong uminom ng gamot. 

Hanggang sa muli!
Photobucket

Apr 20, 2012

Japeyk Nga Ba?

Haler mga blogkada! Muli ay inuulit ko, sa lahat ng tumawa, napahagalpak at tumambling sa tuwa sa Kwento ni Lelang at ni Nani... mas masaya akong napatawa ko kayo. Sa akin pa din bumanda pabalik ang kasiyahan. Ika nga, it's my fleasure!

So much about the pasakalye, sinabi ko sa sarili ko nung una pa na kahit keylan ay hindi ako magpapadenggoy. Fumeeling ako na madedenggoy yata kami nito lang Lunes. Ang mga workers and staff ng aming simbahan kasama ng kanilang mga pamilya, (kasama din ako syemps) ay nagpunta sa isang resort kung saan ang pangalan ng resort ay inisip naming 'japeyk'? Ito ay dahil Poracay ang pangalan ng resort. Ang totoo nyan, walang nakakaalam ng resort na to, siguro may mangilan-ngilan na.. ngunit, dapatwat, subalit ay ni isa mga kakilala ko ay hindi knowinggelles ang lugar na itey. Ini-status ko akchuali sa FB ang Poracay Resort, tapos may biglang nagcomment ng: "May Poracay? Siguro may Pohol din?" So, dahil sa curiousity na um-arise sa amin, minabuti pa din naming pumunta at siguraduhin kung ang resort ay tunay o japeyk. Kaya hinold ko muna nang matindi ang mga katagang: "hindi ka madedenggoy Ningning. Hindi!" (teka kakalma lang ako ng konti.... ayan pwede na)

Kaya eto, napag-alaman namin na ang lugar nga ay truelaloo! Voila! So, cancel na natin si japeyk. Erase.. erase. Eto na ang sobrang init ngunit bonggang bonggang lugar na aming pinuntahan para lang mag-unwind, magliwaliw at magswimming naman ang mga laging punong abala sa simbahan.

Tadah! Introducing.. the Poracay Resort!!! Hindi po Boracay.. Po-ra-cay! Getchingbelles?

Note: Ang Poracay Resort na ito ay located sa Porac, Pampanga that's why Poracay ang ipinangalan. Kacurious-curious kaya talagang dinayo. Napakadaming tao nang kami'y andun. Pagpasensyahan nyo na kung walang matinong pictures. Sadyang masaya ang trip na ito kaya nilubos lubos na namin! 

Yan si Pastor sa unahan ang nagpasimuno ng ganyang pose.

Poracay!

Sa Villa na napakaganda kung saan kami ngstay overnight. Paggising budoy pose ulit?

Kami ni Marrick having the same hairdo. Akchuali may performance di lang natuloy. Nyahaha!

Wacky pic with Ria!
Asyuswal, i-jojoin ulit ni Ningning ang Happiness na ito pati na din sa Color Connection.

Hanggang sa muli!
Photobucket

Apr 16, 2012

Ayoko! Amin Lang Si Baby!

Nacurious ba kayo sa title mga blogkada? Well, Talagang kacurious-curious ang ikukuwento ko. 
Naalala ko lang kasi nung nasa Bicol pa kami ng aking mahal na pamilya nakatira. Baby o sanggol pa ang bunso namin noon. Yung tipong hindi magsusurvive kung wala syang gatas na iniinom. At siyempre pa, dahil sa mahal ang gatas, mas mainam at mas malusog kung gatas ni Ina ang kanyang tatangkilikin, diba? Oo, siyang tunay. Gatas ni Ina ang kanyang pagkain sa araw-araw. 

Sa mga panahong yon, yung pangalawa sa bunso, ay sobrang protective sa baby bunso. Ang katunayan nyan, sa pitong magkakapatid, siya ang pinakalove na love ang bunso namin. Siguro 4 na taon pa lang siya non. Sa pagkakaalala ko, taong 1995 yun. Nasa panglimang baitang pa lang ang beauty ko. (kung masasabi na ngang beauty yon hahaha!)

Anyway, bigyan ko muna kayo ng konting clue sa napakaliit naming pamilya. Pito lang kaming magkakapatid. Take note, may LANG pa yan. Mula sa panganay hanggang sa akin, taon lang ang pagitan namin. Pangatlo ako sa magkakapatid. Puro kuya ang nauna, dalawang lalaki ulit ang sumunod at dalawang babae ang pinakabunso. Ayan, alam nyo na siguro kung anong gender ng protective kay baby. Tama, babae sya. At "Nani" ang tawag namin sa kanya. Akchuali, madalas may magtanong sakin noon kung bakit madami kami. Nagpaplanning daw ba sina Mama at Papa?? Ang sabi ko, "Oo naman! Sa totoo lang, nagpaplano pa ulit sila ng isusunod sa bunso." Tawa na lang sila. Kasi, tama naman ang sagot ko, diba?

So eto na nga ang kwento. Minsan isang hapon, dumalaw ang lola ko. 'Lelang' na pala to be exact kasi lola na sya ni Mama. Nang paalis na sya, biniro nya ang kapatid kong protective sa bunso. At eto nga ang conversation:

Lola: Akin na lang nene ang baby nyo ah? Uwi ko na sya samin." (habang karga-karga si baby at animo palabas na ng bahay.)

Nani (ang protective 5yr old Ate): "Ayaw! Hindi pwede!" (galit na galit)...

Lola: "Huwag kang mag-alala, aalagaan ko sya ng mabuti. Paiinumin ko din ng gatas".

Nani: HMP! Wala ka namang dede eh! (oops, hindi masyadong sensored yan ah?)

Lola: Meron ah! (sabay ipinakita ang hinaharap nya nang walang patumpik-tumpik! OMG!)

Nani: HMP! Bulok naman yan eh!!! 

Ayan, pagpasensyahan nyo na. Ang bata ay di marunong magsinungaling, tama? Haha! Sa totoo lang, wagas na wagas ang hagalpak namin nila Lola at Mama nang marinig namin ang sinabi ni Nani kay Lola. 

Hindi ko alam kung dapat kong ilink ito sa Happiness is dahil baka dumalaw ang MTRCB. Hahaha!

Hanggang sa muli!
Photobucket

Apr 6, 2012

Bathe Me, I'm Dirty...

Isa sa mga kagalakan ko ang makapagpaligo ng mga bata sa lansangan! Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng ganitong experience. Sa totoo lang, ito ang isa sa mga longing ng heart ko. Ang makapagserve hindi lang sa church kundi pati sa community. I love reaching out and making people smile. At siyempre ang nagbigay ng heart na yan ay walang iba kundi si Jesus!

Oops! May tinakpan ako baka lang biglang mapadaan dito ang MTRCB.  Haha!
In fact, na-experience ko to twice na at ung last time ay noong February. Ang photo na yan sa taas ay noong 2010. Vacation Church School noon at naisipan naming mga teachers ang magpaligo sa mga batang ito para sila'y mabango bago pumunta sa kanilang mga classrooms. 5 days ang duration ng VCS kaya ginawa namin ito ng apat na araw tuwing umaga bago magsimula ang mga classes by level. Alam nyo bang ang mga batang yan ay yung mga natutulog sa daan along Luneta at Plaza Salamanca sa ilalim ng LRT UN station? Kaya hindi na nakapagtataka na wala silang source ng tubig para maligo. Ang nakakalungkot pa dun, wala silang damit na pampalit. Kaya hindi lang namin sila pinaliguan kundi naglikom din kami ng mga damit galing sa mga members ng church at iyon nga ang mga ibinihis namin sa kanila. 

Nakadagdag pa sa kasayahan ko ang pagsalubong nila sa akin kapag nakikita nila ako sa daan dahil around the church lang sila. Nakakatuwang pakinggan na "Teacher Ning" pa din ang tawag nila sakin. In fact, kanina lang, may batang kumalabit sa akin at humingi ng limos. Namukhaan ko agad siya. Bigla siyang nahiya pero binigyan ko pa din ng pera at sinabing, "Salamat Teacher Ning". Nakakahabag pero natutuwa akong nakatulong ako sa kahit ganung paraan lang. Napakabuti ng Panginoon at ipinararanas nya sa akin ang ganitong experience. 

At dahil dyan, i-lilink ko ang kasayahang ito sa Happiness Is!
Photobucket

Mar 30, 2012

Ang Batang Ningning

Masayang balikan ang panahong minsan tayong naging bata, tama? Hay! Sa totoo lang ang happiness post na ito ay may halong kilig kapag inaalala ko yung mga kaganapan, kakulitan at di pangkaraniwang karanasan nung ako ay ganito pa kaliit!!

Yey! Yan si Ningning! Yan ako nung limang taong gulang pa lang ako. Ang cute cute ko diba? Aminin! Hahaha! 

Ang damit na yan ang pinakapaborito ko sa lahat ng damit na ibinili sakin ni mahal na ina. Tatlo yan na iba-iba ang style pero ito ang tinitingnan kong lagi sa cabinet namin at gustong isuot kapag magsisimba kami. Sa edad na yan andami ko nang naaalala na ginawa ko.

Una, kabibuhan! Oist imadyinin nyo nga naman na sa ganyang liit ko entertainer na ko. Kapag may bisita kami, ibinibida na ko ng papa ko sa mga bisita. Sasabihin nya, "Ning, kanta ka dali". Dali-dali naman akong isasampa sa mesa ng mahal kong ama at kakanta na nga ako nang walang kaabog-abog! AT take note! With EMOTE pa at actions sa kamay na kala mo kontestant sa Kampeon ng Tanghalan!! Ito ang mga kanta ko: "Sayang na Sayang Lang ang Pag-Ibig Ko", "Mr. Dreamboy" at "Somewhere Out There". San ka pa teh! Hulaan nyo anong taon yan!!! Para sa clue, sa carpet pa lang sa likod ko, malalaman nyo kung kelan yan nauso. Kasama yan sa era. LOL!

Pangalawa, ka-istarirayan! Alam nyo bang buntot ako ng mama ko? Basta kahit san sya pupunta dapat kasama ako. Hindi sya makapagtago sakin. Isang araw, dumating ang Tita galing sa Bicol. Nasa Laguna kami nito nakatira noon. Busyng busy ako maglaro at intensyonal nga akong nilalaro ng Tita ko. Yun pala, dahan dahan na si Mama lumalabas ng pinto! Aba? Di pa din sya nakatakas sa paningin ko. Takbo ko sa pinto at humarang ang Tita ko. Ang lakas ng iyak ko at nagpupumilit sumama sa mama ko. Successful na sana ang pag-alis ni Mama nang marinig nyang tumili si Tita at napabalik sya ng bongga. Anong nangyari? Kinagat ko lang naman si Tita sa bukong bukong sa abot ng aking makakaya sa pagkalupasay ko. Ayan, palo ang inabot ni Ningning sa mahal na ina. Hindi na nga nakaalis ang nanay. Nakapag-isip isip siguro si Ningning at tumahimik sa isang sulok.

Pangatlo, picture addict! Opo. Si Ningning nang edad na yan ay napakapicture addict na daw sabi ng mama ko. Well, ang ganda naman talaga ng mga ngiti ko diba? Pano eh, nagpapraktis pa daw ako sa salamin ng ngiti. haha! Ako na yan! Ang cute cute ko!

Nang si Ningning ay lumaki, siya'y naging isang mabait na bata at anak. Haru! Oo, mabait ako pramis! 

Siya, bago nyo tapusin ang post na to, kumaway muna kayo sa batang si Ningning at tiyak na mapapangiti nyo sya. Wag din kalimutang mag-iwan din ng masayang kumento sa baba! Ciao!

My share for: HAPPINESS IS
Photobucket

Mar 28, 2012

Welcome Grace, Ang Bagong Blogger!

Alam nyo naman siguro kung gano ko kamahal ang blogging. Ang totoo nyan, nagsimula ang adiksyon na to, way back Friendster days pa. Anu ngang taon yon? Yung tipong meh mga testimonial ever pa? Ay naku teh, marami akong naging prendship at nahakot na testimonials sa profile ko nun sa pamamagitan ng pagmamakaawa. Hahaha! Hindi ko lang alam kung binobola nila ko. Pero kasabay nun, nung makita kong may blog churvaness dun eh nagsimula akong magblog. Ayan, sumunod na nga itong discovery ko ng multiply noong 2008 na mas minahal ko kesa sa friendster dahil sa kumpleto ito! Maliban sa meron itong photo albums, blog roll ay pupuwede ka ding mag-imbak ng videos at kung ano-anu pa. Tapos, nakakaengganyo lalo ay masarap bihisan ang multiply. Napakaraming choices na maaring pagpilian na aangkop sa personality. Ayan, ako na yan!

Kasabay ng adiksyon na yan, sa multiply pa lang ay nahikayat ko din ang mga kaibigan kong magblog. At eto nga, si Grace na sisterette ko na kung ituring ay nahikayat ko din. Espaks kami magtawagan dahil nung nag-aaral pa kami, naging partner kami sa prayers. "Espaks" means, spiritual pakners! Oh, astig diba? At dahil siyempre para na silang magkapatid ng asawa ko, nagkaron din sila ng sarili nilang tawagan. Alam nyo kung ano? "XBOX" Kaloka diba? Hahaha! Totoo yan kahit sa personal ganyan ang tawagan nila. 

Kaya heto ako ngayon, nahikayat ko naman sya ulit magblog dito sa mundo ng mas malawak  na blogsphere. Nagshift na din sya sa blogger. Ang katunayan nagulat pa ko dahil 4 agad ang binuksan nyang blogs. 

Si Grace nga pala ay isang pastor. Magandang batang pastor ng UCCP at nagpapastol sa Las Pinas. Hindi lang siya maganda kundi napakagaling din na singer! Ay oo. Proud akong sabihin na ang tandem naming dalawa ay pwedeng pwedeng pagsimulan ng matayog na career. Sa school noon, ang tawag sa amin ay M2M. Namiss ko na nga siya kajamming eh. 

Sana ay suportahan nyo din at maging kaibigan si Grace. Mas makikilala nyo sya sa mga bago nyang blogs. Magaling siyang sumulat din sa Tagalog at isang magaling na manunulat pagdating sa mga sulating teyolohiya. Yun naman talaga kasi ang forte nya. 

Siya, eto na ang kanyang mga blogs! Sana'y mag-enjoy din kayong subaybayan ang mga akda niya:


Photobucket

Mar 26, 2012

Abalang Muli ang Beauty Ko

Hello mga blogkada!

Una ay gusto kong humingi ng paumanhin sa mga hindi ko pa pagbloghop sa mga entries ng Happiness Meme. Ilan pa lang and nadalaw ko pero huwag mag-alala dahil babalikan ko kayong lahat soon!

Medyo bigyan nyo muna ko ng kaunting panahon ngayon at bisi-bisihan ulit ang beauty ko this coming week. Hindi pa halos nakapahinga mula noong graduation ni hubby at sinundan agad naman ng preparasyon para sa Anniversary ng church nung Linggo. Nagbantay sa Ninang kong may sakit sa Manila Doctors kagabi, kahit na puyat ang beautyness monster ng lola nyo ay gumora pa din sa immigration today para naman sa renewal ng visa ni hubby. Well, eto kadarating lang namin dito sa bahay and it's nearly 11pm now. Bukas naman ay sa Tagaytay muli ang tungo ko kasama si Hubby para sa church conference na gaganapin hanggang Huwebes ng hapon. Ang hectic mga teh diba? Jusme talaga.

Pero wag mag worry sapagkat kahit na bisi bisihan eh makakahanap din Ako ng time mag blog at makachikahan kayong muli. Babawi na lang Ako mga kagandahan ah? At babalikan ko ang inyong mga happiness entries. Salamat sa walang sawang pagdadalaw at pagkembot ninyo sa mga blogs ko!
Mamimiss nyo ko alam ko yan. Hahaha! Mahilig talaga ko umechos.

Hanggang sa muli!!!

Mar 23, 2012

Gumradweyt na si Hubby!

Walang mapagsidlan ang saya ko nang sa huling minuto ay nakompirma na gagraduate na ngang tunay si Hubby! Sa totoo lang, mula nung nakaraang Linggo pa hindi makatulog ang asawa ko kasi may isang subject pa siya na hinihintay ang grade. Nasa US na kasi yung professor na yun at thru email na lang pinasa ang papers nya. Umuwi ng US si Sir Matheny dahil  nagtuturo din sya sa isang seminaryo duon. At iyon nga, naglabas ng unang list ang school ng graduating class, wala ang pangalan nya doon!

Lunes, nag-email si prof at nangakong ifoforward na ang grade. Yun na lang talaga ang hinihintay! Deliberation ng Martes, wala pa ding naifoforward na grade. Siguro busy si prof kaya inemail ulit ni Hubby. That was 3 days before the graduation day!

Pagkatapos ng deliberation nung Martes, nagpaskil ulit ng list ng mga siguradong gagradweyt, wala pa din ang name ni hubby. ;( Gusto ko na din umiyak kasi baka hindi nga talaga makagradweyt pero siyempre puro pang-iencourage pa din ang lumabas sa magandang asawa. (nagawa pang umechos??) Hahaha!

Pero eto, Miyerkules ng umaga, ginising ko siya nang may bonggang bonggang smile! Sabi ko, punta na kami sa mall at bumili ng barong na gagamitin nya sa graduation. Hindi pa man kami sigurado dahil wala pa ngang grade, eh nagpunta na nga kami ng mall para bumili ng barong BY FAITH! Kay buti ng Panginoon! Pagkatapos naming bumili, pumunta si hubby sa registrar upang magconfirm, sa habag ni Lord ay umokey na nga. Natanggap na nila ang grade galing kay prof at tuloy ang ligaya! 

Ta-dah! Ayan na ang hubby ko! Marching with pride!
 
 Siyempre pa ang proud wifey kasama at ang mga pastor na sumuporta!
Dumirecho sa Tagaytay with supportive and kind professors to hubby.
Hubby earned a degree of Bachelor of Theology. Praise the Lord. Sa pagtuntong nya sa Masteral ay magpatuloy ang katapatan at kasigasigan. Dahil sa mga nangyari, muli naming napatunayan kung gaano kabuti ang Panginoon basta't manatiling nakakapit nang may buong pananampalataya at walang pag-aalinlangan. Amen.

Share ko sa Happiness is!
Photobucket

Mar 20, 2012

Hindi Na Nga Talaga Ako Bata

Hello mga blogkada, namiss ko kayo ha? Nagmumuni-muni lang naman ako dahil sa mga kaganapan sa buhay ko at ng mga kaibigan kong naging kasama ko sa lakbayin ng buhay ko.

Una na dyan ang makita kong ikinasal na din ang isa sa mga itinuturing kong kapatid. Actually, tatlo kami. Sila sina May at Grace. 


Marami kaming mga pinagdaanang saya at kulitan nung nasa dorm pa kami way back college life. Naalala ko, kapag panahon na ng chapel service na ginaganap ng Martes at Huwebes, gabi pa lang, nagdi-dress rehearsal na kami! Meron kaming malaking salamin sa dulo ng pasilyo ng dorm kaya alam nyo bang rarampa ang mga lola nyo papunta sa salamin para lang naman masilayan kung ano pag-iitsura namin sa mga damit. Haha.. Nariyang sabay-sabay din kaming maligo ng hubo't hubad, ayan, wala talagang keme yan ah?! Talagang wala na kaming itatago sa isa't isa. Kung minsan pa nga dahil nasisikipan kami sa mga shower cubicles, mismong sa entrance ng bathroom na kami naliligo. At siyempre, makikita agad kami ng mga gustong umihi dun kasi sa tapat lang din ng toilet cubicles ang kinaroroonan namin. Ang saya! Pano, eh sila pa ang nahihiyang tumingin samin? Eh bakit ba kasi? Pare-pareho naman may kung aneklabum sa katawan! Pero wag ka, jumoin din sila nung huli! Kakaloka! Para kaming nagmistulang magkakakosa sa kulungan. Hahaha! Ay jusme, marami kung iisa-isahin. 

Naikasal na din si May nung Biyernes lang. Ang ganda ganda nya at talaga namang napakasaya at napakaingay ng kasal nya. Kung pwede nga lang tumambling dun ginawa ko din eh. Pero siyempre inisip kong nakapalda nga pala ko ng bongga. So, di ko na tinuloy. Nagcheer na lang ako ng wagas para sa kanya. Meron pa isa, si Grace na nag-Rank 1! Topnotcher sa ordination exam nila. At magiging ganap ng Reverendo soon! Proud na proud akong kaibigan!

Sa lahat ng mga pangyayaring ito, naramdaman kong tunay ngang di na kami bata. Masarap alalahanin yung mga bagay na nakaraan. Mga kulitan at sayang kabataan. Kung pwede lang manatiling bata for life, why not?? Pero sadyang ganun ang buhay. Ang masaya, sa bawat pahina at yugto, may magandang nakasulat. Bow!
Photobucket

Mar 12, 2012

Antok Ka Noh??

Alam ko, at huwag na ninyong i-deny na naranasan nyo na ang mga palatandaang ito. Eto, tingnan nyo at alalahanin ang mga palatandaang antok ka pa o antok ka na nga at kailangan mo lang itulog yan. ;)

ANTOK ka na nga…
  • Kapag nanonood ka ng paborito mong telenovela at pinipilit ibukas nang todo ang mga mata dahil sa ayaw mo lang mamiss ang episode ng gabi.
  • Kapag may nagtanong sayong, “Antok ka na?” at “Hindi pa noh?” ang sagot mo, sabay tindig tapos uupo din naman ulit at pipikit-pikit ulit ang mata.
  • Kapag nagluluto ka sa umaga at parang nananalangin sa harap ng niluluto mong pritong itlog o hotdog.
  • Kapag lumabas ka ng kuwarto at tinanong ang sarili, “Saan nga ba ko pupunta at anong kailangan kong kunin?” sabay kamot sa ulo.
  • Kapag nasa klase ka, at kunwari tutok na tutok ka sa mukha ng teacher mo pero nangingindat na ang antok mong mga mata.
  • Kapag may kausap kang sobrang nakakaboring ang kuwentong sinasabi nya at oo ka na lang oo pero nang-iirap ka na pala kasi antok ka na.
  • Kapag nagsesermon ang pastor at ang akala ng mga tao sa likod mo sumasang-ayon ka lang lagi sa sinasabi ng pastor dahil sa katatango mo hanggang dibdib.
  • Kapag nagmumukha nang lasing ang mga mata mo sa harap ng computer o laptop mo pero ayaw mo lang mahiga dahil nga nagfefacebook o nagbablog ka pa!

O natuwa kayo noh? Ako din eh. Naisip kong isulat kasi alam kong makakarelate kayo. So anong maidadagdag nyo? Hahaha! Sulat!

Mar 2, 2012

Oh Tawas! Di Ko Akalain!

Mga blogkada, sabi ko na sa inyo eh. Masaya ang huntahan dito sa Tagalog blog ko. Nagagalak ang puso ko nang wagas dahil sa dami ng kumentong natanggap ng aking akda tungkol sa tawas. Kung hindi mo pa nababasa, ETO basahin mo. Kunin ko na din ang oportunidad na pasalamatan ang mga commenters sa tawas post na yung iba ay di talaga umalis ng di kumumento. Bongga kayo!

Napatambling lang naman ako sa tuwa at wagas na halakhak ng maisip kong ichek ang stat ng blog na to. Kasi sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na ito ang umaani ng bisita at readers ngayon among my other blogs! Take note! PR2 na bonggang bongga eh wala naman halos seryosong usapan at mapupulot dito diba? Dinaig talaga ang mga English blogs ko! Kasi PR1 lang inabot nila eh.

So eto, para na din maliwanagan kayo. So far, ang "Kwento ng Durog na Tawas" ang may highest rating at dalaw! Eksaherado man pero ang saya-saya ko na pumalo sya ng kulang kulang 100 views na di ko naman talaga inaasahan. Gusto ko lang naman magkuwento. Haha. 

Salamat na din kay KM at sa Happiness Meme nya at nakapag-ani ng readers ang kuwento ko. Mangyaring ICLICK na lamang ang photo para makita nang lubos.

But wait! There's more! Tingnan nyo nga naman at marami din palang nagreresearch tungkol sa tawas. At please, please, tignan sa gawing baba ng larawang ito kung ano ang mga hinahanap nila at nagawi sila sa post na to. Ayan, kayo na ang humusga! Hahaha!



Photobucket

Feb 24, 2012

Ang Kwento ng Durog na Tawas

Uy, hello! Kamusta ka? Alam ko, naparito ka dahil sa napagka-interesting baching baching ng titulo ng post na to. Tama? O sige di na kita pasasabikin pa. Eto na ang kwento.

Tawas. Ano nga ba ang tawas?
imaheng hiram kay mr. google
Ang tawas ay iyong puti, mala-porselana at kumikislap kislap na bagay na animo parang isang crystal. Mayroong dalawang uri ito. Ang buo at ang durog na tawas.

Ngayon naman ay alamin natin kung ano ang gamit ng tawas.

UNA: Ito ay nagsisilbing gamot sa mga singaw natin sa bibig. Ay opo! Napakabisa! Isa ito talagang magic kung makapanggamot ng singaw. Yun lang, asahan na ang hapdi at sakit habang ina-apply ito. Siyempre diba? Hindi mo pa nga ginagalaw yung singaw, napagkasakit na. Eh yun pa kayang magmumog ng tubig na may tawas?! Pero diba, ika nga, "No Pain, No Gain". In just a minute, PATAY ANG SAKIT!".

PANGALAWA: Hindi lang gamot ang tawas, alam nyo bang nakakapagpaputi din ito ng kili-kili? Ayan mga girls, I know, I know.. Isa yan sa mga million-dollar-question pero ito ay totoo. Ito na din ay dahil napaputi nito (ng bahagya) ang aking kels. Nyahaha! Oo di ko na ikakahiya. Pero talagang mabisa. Para sa akin ha? Di ko lang alam sa iba.

Eto ang maa-achieve na puti ng kili-kili kapag gumamit ng tawas:
kay Mr. Google ko din kinuha 
PANGATLO: Ang buo o durog na tawas ay nakakatulong ma-prevent ang bad odor  sa katawan. Meron akong kaibigan, hindi lang sa kels ina-apply ang tawas kundi pati sa buong katawan. Inihahalo nya ang konting budbod ng tawas sa huling timba na kanyang huling banlaw. Teka, paalala. Wag naman OA sa paglagay. Konting konti lang para lang smooth ang skin at fresh after maligo.

Alam ko maraming makakarelate sa inyo sa kwento ng tawas na ito dahil noon. . . nong di pa naimbento ang mga roll-on o underarm sticks, ay tawas din ang gamit nyo. AMININ! Diba, nung mga panahong nagsisimula ka nang magbinata at magdalaga, si Nanay o si Tatay ay nagpapaalala nang lagi na gumamit ng tawas sa kili-kili para naman di nakakahiya sa mga crush sa school. Haha. Balik tanaw!

O siya! Kapulutan nyo sana ng sangkarumakot na wisdom at walang kasing-wagas na happiness ang post na ito. Kaugnay nyan, ili-link ko na din ang tawas na durog sa!!!
HAPPINESS IS
Photobucket
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
anak asawa at home ka dito await award na natanggap awit baby plans bagyong Pedring baha bakasyon balikong pananagalog Bata Bata Paano Ka Ginawa batang lansangan bathing ministry batutay bayad online Bicol bidang bida ang tawas birthday blog designing blogger blogger hot seat blogger of the year blogkada ang sasagot buhay titser Cabanatuan City Carlo Aquino casio piano chikahan comedy cute fonts damuhan damuhan.com di malilimutang karanasan di na bata disappointed dismayado DJ Chacha dumplings earn online fan signs farm gladliness grace graduation happiness Hawak Kamay cover hektik iskedyul Hualien ina inaantok japeyk nga ba? joy kabusyhan kahihiyan kahilingan kaibigan kaibigang tunay komedyang pang-priskul kuwento kuwentuhan kwentong bakasyon libreng badge lugar na Poracay ang pangalan mabisang gamot sa singaw magulang maraming tenk you masamang pakiramdam meme movie review munting pakulo munting pangarap mylot mylot earnings napahiya ningning opinyon original designs pagkain pakulo ni bino palatandaan ng antok pamamalat pampaputi ng kili-kili panaginip pananaw paraan ng pagkuha ng pasaporte pasaporte Pasko paypal pelikulang Pinoy piano pictures Pilipinas playing piano Porac Pampanga Poracay Poracay Resort Pork barrel scam PR2 praybeyt benjamin radio station repleksyon requirements para sa passport application sahod sakit sapatos scrapbook designs Serena Dalrymple si lelang at si bunso sikat simbahan sine singing street children sunshine blog award survey ni Ning tagalog Taiwan talento tambayan 101.9 tawang wagas tawas teleserye tofu traditional costume tricycle capital of the Philippines tulog ubo vice ganda Vilma Santos walang gana wednesday whites
 

Rona's Home Blog Copyright 2011 Designed by Rona