Nov 26, 2011

Birthday ni Ningning!

Hello mga blogkada! Birthday ko kasi ngayon. So naisip ko lang iannounce. Haha. Papansin man sa tingin ng iba pero pagbigyan na, birthday naman eh. Hihi. May maipost lang. ;)

Photobucket

Nov 16, 2011

Komedyang Pang-Priskul

Lingid sa kaalaman ng marami, ako po ay isang preschool teacher. Nagpasya lang muna akong mag-leave ngayong taon sa pampamilyang rason. Pero magbabalik muli ako sa pagtuturo ko next school year sa mga napakababait kong estudyante.

Sa totoo lang pinost ko ito dahil sa miss na miss ko na ang mga bata 3-5 years old ang edad. Magtataka siguro kayo kung bakit mas pinili kong magturo sa mga ganito kaliliit na bata dahil talaga namang napakakukulit at mahirap i-handle diba? Pero ang hindi alam ng iba, mas masarap magturo sa mga batang ito kesa sa mga hayskul at college. Bakit kamo? Dahil tiyak maiinis ka at mawawalan ng pasensya kung minsan, given na yan, pero kapag sila naman ang maglambing, sooobrang dagitab sa puso. Dagitab? San ko naman nakuha yon? Haha, ang ibig kong sabihin ay yung kaligayahang dulot nila sa isang katulad kong guro kapag maglalambing o sa mga kuwentong pagbibida sa'ming mga titser sa kanilang bahay. Lahat kaya ng sinabi ni teacher ay tama. Totoo yan, kahit magulang aawayin basta sabi ni teacher, yun ang tama! Haha!

Siya, ang dami ko nang sinabi, gusto ko lang naman i-share ang mga comedy scenes sa klasrum na talaga namang napahalakhak ako ng wagas.

Comedy Scene #1:

Eksena sa panahon ng break time. Kumakain ang mga bata habang ako ay nagche-check ng kanilang mga artworks.

JC: Khing, bakit ba bungi ka? San napunta mga ngipin mo? (seryosong tanong kay Khing habang kumakain ng biskwit)

Khing: Meron kaya akong ngipin, di mo lang nakikita. (seryosong sagot sabay balik konsentrasyon sa pagkain)

Moira: Patingin nga? (pinanganga si Khing, nganga naman ang isa) Oo, meron siyang mga ngipin nagtatago lang.

Jasmine: Nabulok mga ngipin ni Khing kasi di sya behave. Palagi na lang siyang upo tayo kahit sinasaway ni teacher. (sabay sipsip ng juice)

Sophia: Oo, tama si Jasmine. 

Haha! Panalo sa konek diba? Aminin niyo natawa din kayo. Sa sunod na ulit ang Komedyang Pampriskul Number 2. Kaya abangan!

Link ko sa Happiness Meme!
Photobucket

Wow! Cute Fonts!

Wow! Napa-wow talaga ako nang magtiyaga akong magbasa ng tutorial para nga dito sa cute fonts na wala ang blogger. Kaya eto, kita nyo naman ayan na siya sa post title ko! So excited akong mag-explore pa at siguradong gagawin ko na to sa mga magiging blog designs ko. So cute talaga. Giddy ako! Haha.

Thanks sa tutorial online na mga designers. The best kayo! Sa susunod, gagawa din ako ng tutorial para din matuto kayo from me. Gagamayin ko muna, okey? Ajah! Gawa pa ko ng marami!

Photobucket

Nov 15, 2011

Sumahod na sa Mylot! Yay!

Ayan, kung maaalala nyo, nagpost ako dito na hindi pa ko nababayaran ng mylot. At actually, hindi na'ko umasa pa kasi nga parang hindi naman totoo. Pero nagkamali ako, dahil the next month pala ang payment kapag naka-earn ka ng minimum. At eto nga, nagrerejoice ako sa payment na natanggap ko ngayong araw. Isa iyong parang nagniningning na email notification sa inbox ko at talaga namang nilagyan ko ng star para maalala kong lagi ang una kong payment sa mylot ever! 

Tunay ngang magaling ang mylot at never nagkulang sa mga napakasisipag magparticipate. Super thank you talaga! You made me happy today! Muah! 

Photobucket

Nov 7, 2011

Nanalo Ako ng Sunshine Award!

Tuwang tuwa ako dahil ang Home Blog kong ito ay nakatanggap ng award! Yey! Salamat Ate Rovie na nagmamay-ari ng humigit kumulang 5 blogs lalo na ang paborito kong "Anything about Bella". Ang tawag ay Sunshine Award. Well, bibigyan ko na din ng meaning kung bakit ako nanalo. Sunshine means sikat ng araw. Korek lang naman dahil ako'y bituing nagni-NINGNING, diba? Nagniningning at sumisikat. Sapul man o hindi ang pagkaka-eksplika ko, basta ang alam ko, nanalo ako. Oh, wala nang kokontra. Hihi.

At dahil dyan, siyempre may rules at ito din ang dapat gawin ng mga bloggers na papasahan ko ng award na ito.


 Sa mga nanalo ng Sunshine Award, gawin lamang ang sumusunod.
1.) Pasalamatan ang nagbigay nito sayo sa pamamagitan ng pagsusulat ng post sa iyong blog tulad nito.
2.) Sagutin ang mga katanungan sa baba.
3.) At ipasa sa sampung bloggers na sa tingin mo ay karapat-dapat sa award!


* Favorite color? PINK siyempre coz it makes me happy and jolly!

 * Favorite animal? Aso
* Favorite number? 17
* Favorite drink? Red tea ng Tokyo Tokyo!
*Facebook or Twitter? Facebook.
* Your Passion? Scrapbooking at Blog Designing!
* Giving or getting presents? Giving kasi ibabalik din sa akin ng siksik, liglig at umaapaw ni Jesus. *wink*
* Favorite Day? Sunday kasi maliban sa Lord's day iyon, fulfilled dahil natutulungan ko sa ministry ang pastor kong asawa.

* Favorite flowers? Tulip
At ngayon, ito na ang sampung nagbobonggahang awardee ko!

Ferry Joy ng  Ferry'z Will
Kharen ng  Kharen's Corner
Sugahmomma ng Sugah Momma
Melody ng Gift from God

Ayan guys, enjoy your award at ipamahagi nyo din. Muah!

Photobucket

Nov 4, 2011

Praybeyt Benjamin Mapapanuod Din Kita

Hay, hello mga kakuwentuhan ko. Ang tagal kong nawala sa blogosphere. Kaya naman eto ko nagbabalik muli! 

Nasa Robinsons Ermita ako nitong nakaraang Lunes, habang ang lahat ay nasa kani-kanilang mga pamilya at probinsya. Nagmistula ngang malinis at tahimik ang Maynila dahil sa napakakonting taong makikita mong naglalakad o nagsshopping sa mga malls. Well, since andun na rin lang kami eh, minabuti na naming manuod ng sine. But unfortunately, hindi ako nakapanuod ng Praybeyt Benjamin dahil alam nyo naman, kapag nilibre ka lang, masha-shy kang pumili diba. Nacurious lang ako dahil honestly di ko alam ang praybeyt benjamin na ito. Palagi ko lang naririnig sa mga tao. Well, nakita ko din kung ano ito dahil sa nagbobonggahang billboard at pictures sa cinemas. Natuwa na lang ako munang panuorin ang trailer at excited much na kong manuod talaga! At, well, please lang, wag magkukuwento ng mga scenes para di maspoil ang panunuod ko soon! Gogora talaga ko sa sinehan bukas na! 
Photobucket
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
anak asawa at home ka dito await award na natanggap awit baby plans bagyong Pedring baha bakasyon balikong pananagalog Bata Bata Paano Ka Ginawa batang lansangan bathing ministry batutay bayad online Bicol bidang bida ang tawas birthday blog designing blogger blogger hot seat blogger of the year blogkada ang sasagot buhay titser Cabanatuan City Carlo Aquino casio piano chikahan comedy cute fonts damuhan damuhan.com di malilimutang karanasan di na bata disappointed dismayado DJ Chacha dumplings earn online fan signs farm gladliness grace graduation happiness Hawak Kamay cover hektik iskedyul Hualien ina inaantok japeyk nga ba? joy kabusyhan kahihiyan kahilingan kaibigan kaibigang tunay komedyang pang-priskul kuwento kuwentuhan kwentong bakasyon libreng badge lugar na Poracay ang pangalan mabisang gamot sa singaw magulang maraming tenk you masamang pakiramdam meme movie review munting pakulo munting pangarap mylot mylot earnings napahiya ningning opinyon original designs pagkain pakulo ni bino palatandaan ng antok pamamalat pampaputi ng kili-kili panaginip pananaw paraan ng pagkuha ng pasaporte pasaporte Pasko paypal pelikulang Pinoy piano pictures Pilipinas playing piano Porac Pampanga Poracay Poracay Resort Pork barrel scam PR2 praybeyt benjamin radio station repleksyon requirements para sa passport application sahod sakit sapatos scrapbook designs Serena Dalrymple si lelang at si bunso sikat simbahan sine singing street children sunshine blog award survey ni Ning tagalog Taiwan talento tambayan 101.9 tawang wagas tawas teleserye tofu traditional costume tricycle capital of the Philippines tulog ubo vice ganda Vilma Santos walang gana wednesday whites
 

Rona's Home Blog Copyright 2011 Designed by Rona