Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2011

Ang Sexy Talaga ng Boses ni DJ Chacha

Tuwing gabi, nakahiligan ko nang makinig sa radio segment ni DJ Chacha sa Tambayan 101.9. As in, gabi-gabi na to. Wala na ngang mintis eh, na kahit nakaonline ako, ang mobile phone ay naka-tune in kay DJ Chacha. Avid na to, to hayest lebel na. At cute pala si Chacha ha? In fairness!

Yun lang, nakakaasar ang caller kagabi. Aba eh, kinse anyos pa lang namumrublema na sa lablayf? Imbes na isipin ang pag-aaral? Jusmio! At tinanong pa si DJ Chacha kung anong magandang gawin, eh di siyempre ang sabi ng DJ eh i-break na kung palagi lang din silang on and off sa relasyon. Diba? Kasora lang kasi ano ba? Super depressed sya. Natatawa na lang ako dahil super napika ang DJ sa bata kasi nga naman eh kinse anyos lang. Pumuproblema na nang ganuon. Sakit lang sa ulo. 
Hay! Mga teenager nga naman. Well, pinagdaanan ko naman ito kaso di ko naman pinrublema to the point na depressed na ang kapusuan ko. Kung kapatid ko lang yon, naku, sangkarumakot na kurot sa singit ang aabutin nya sakin. Talaga! I mean, …

Botohan sa Damuhan!

Kagagaling ko lang sa Damuhan na pag-aari ni Bino. Natapos na din ang mga panayam at pag-feature sa mga bloggers sa nag-uuminit na mga tanong sa Hot Seat. Haha. Ilan lang ang mga nabasa kong panayam sa kanila kaya pumili lang ako sa mga nabasa ko ng iboboto ko sa mga nasalang sa Hot Seat. 
At siyempre pa, bumoto nga ako. Ang totoo, kagagaling ko lang dun. Tatlo lang ang pwedeng iboto kaya binoto ko na ang mga na-feature na bloggers at napaso sa Hot Seat, na eventually ay naging mga kaibigan ko at mga dumalaw dito sa pahingahan kong site!
Eto sila! Lhan Matias of Notbuk ni LhanDaddy Kuri of Domesticated DiariesJoel of Bulakbero
Ikaw, sinong mga binoto mong Blogger of the Year sa munting pakulo ni Bino?

Ang Pasaporte'y Napasakamay Na!

Pilipinas-Logo-Pasaporte ang unang makikita sa cover ng bago kong pasaporte o e-passport na ngayon kung tawagin! Yee! Nagdiriwang ako dahil napasakamay ko na din ang pasaporteng inaasam. Hihi. c",) Matagal-tagal ko din kasing pinrocess ito. Kinailangan ko munang mag-ipon ng mga valid ID's upang makapag-apply nito. Gayunpaman, sabi nga, kung may tiyaga, may nilaga! 
Eto nga pala, kung ikaw ay wala pang pasaporte at nagbabalak kang kumuha, ito ang mga kinakailangang dala mo bago ka pumunta sa Department of Foreign Affairs (DFA):
1. Birth Certificate na galing sa NSO. (Pwede kang kumuha nito in person o via delivery dito http://nso.citizenservices.com.ph/) 2. Dalawang (2) Valid ID (Voter's, SSS, Driver's License, BIR o TIN Card, PRC Card, Company ID, Student ID, at iba pang digitized identification card na merong picture mo at mga detalye tulad ng buong pangalan, address, edad, lugar at araw ng kapangakan, etsetera, etsetera. Hangga't maaari ay government issued IDs ang…

Ako na ang Disappointed!

Huhu.. Medyo disappointed ako mga dear friends. Hanggang ngayon something is not right with mylot. Akala ko, ako lang ang nakakapansin o nakakaranas. Ayun, ayon sa iba, dahil daw sa glitches na lately ay meron sa mylot. Sana lang soon, maiayos na to dahil excited na akong makita ang earnings ko! Andun na ko eh. Reach na reach na ang payout! Nagtrabaho talaga ko dun hangga't merong mga discussions at nagrespond sa mga taong sumagot sa mga discussions ko. Hay! Talaga naman oh! Kung kelan naman abot na abot na ang tagumpay saka naman nagkaron ng aberya. Anyway, patient pa din naman ako, kasi ever since hindi pa nagkulang ang mylot sa mga tumatangkilik. Nagbabayad at nagbabayad sila talaga. Okay! Patient naman akes!
Ikaw, kumusta ka?

Kikita na sa Wakas sa Mylot!

Hello mga kapuso! Eto ako't nagbabalik upang makipagchikahan lang sa inyo. Ang saya ko  dahil sa wakas, may nakita na din akong several dollars sa Paypal account ko! Yey! Ang saya diba?

Well, nakuha ko yung dollars na yun sa pamamagitan ng sponsored reviews. Tinanggap ko ang isang job offer nila at matapos kong gawin ang assignment, nagnotify ang paypal thru email na na-send na ang aking payment!

At, eto pa. I'm a dollar away para ma-reach ang minimum payout ko sa Mylot kung saan  nag-eenjoy ako makipag-discuss sa mga kapwa ko mylotters. Once na natanggap ko ang payout, manlilibre ako! Hihi. EXCITED MUCH!

Kung gusto nyong alamin kung pano kumita sa mylot, click nyo lang to:http://webupon.com/money-making/make-money-with-mylot-com/


AT kung nangangati ka na ding sumali, ito naman ang i-click mo: 
http://www.mylot.com/?ref=ronadelle

Kayo? Saang mga sites kayo kumikita? Share nyo naman!