Sep 29, 2011

Wala Ka Pang Badge? Gagawan Kita!

Nitong mga nakaraang araw ay na-inlove ako sa mga scrapbook designs na meron sa net. Sa aking pagka-inlove ay nagtry na din ako gumawa ng sarili kong designs at nakita ko na lang ang sarili kong nagdodownload ng lahat ng pwede kong madownload na free digital scrapbook materials online! At eto ang mga nagawa ko so far.
(Kung napapansin nyo, ito na ang aking header sa blog site na ito.)
I-click upang lumaki ang larawan
(Hihi. Ako yan nung 4 years old ako. Ang cute ko noh? Entry sa Meme na Mellow Yellow Monday!)

Nag-enjoy akong gawin ang mga ito kung kaya mas lalo pa kong naiinspire na gumawa pa ng marami!

Dahil sa malapit nang magbente (yehey!) ang followers ko dito, gusto kong mag-offer ng badge making sa inyo na wala pang mga badges. Huwag mag-alala dahil ito ay LIBRE. Ang sarap pakinggan noh? Libre kasi. Kung kaya, kung wala ka pang badge na display sa iyong site, pwede kitang gawan for FREE!

 Ang mauunang lima (5) ang aking mga gagawan ng BADGE sa APAT na kondisyon:

UNA: I-follow lamang ako sa mga sites ko. (kung follower ka na, great!)
PANGALAWA: Mag-comment nang may buong husay (hehe) sa kahit ano mang entry ko dito.
PANGATLO: Iwanan siyempre and iyong BLOG URL upang doon ko ibabase ang design ng badge mo.
At PANGHULI: Mag-thank you (naman!) dito sa blog post na ito. 

So, mauna ka na! Lima lamang ang aking gagawan ng badge!

God bless sa ating lahat!

Photobucket

10 comments:

  1. Aww.. ang cute!! hehe..

    I love badges. Magpapagawa rin sana ako, kaso meron na ih. lol.. Gandang gabi, ronadelle.

    P.S.
    Nasa Iloilo ko.. hehe.. di pa nga ako nakakalabas ng Pilipinas. :)

    ReplyDelete
  2. hmmp..ako nga po.. igawan niyo naman ako.. heto url ko

    www.angbuhayayhindibitin.blogspot.com
    salamat!

    ReplyDelete
  3. taray..ikaw na mabilis matuto at nag offer pa..hehehe..pagpapalain ka hija! :)

    ReplyDelete
  4. woot woot!! ako din sana kaso meron na!! hihi
    galing mo naman obang!! ako? ayaw saken ni HTML.. insecure sya saken eh!! kaya ito until now, hindi kami friends (hehe)

    >> goodluck

    ReplyDelete
  5. wow! offering free badge hehehe! galing naman.

    ReplyDelete
  6. Napakabait m naman Rona at artistic pa, keep up the goodwork :-)

    ReplyDelete
  7. wow! ang cool naman! :) sayang, kung medyo napaaga lang ito, nagpagawa sana ako sayo! Meron na kasi akong badge. Sayang talaga! :) anyways, good luck sa mga sasali!! :)

    ReplyDelete
  8. Ang cute naman ng header! Ako din dati na adik sa pag download ng free digital scrapbooking kits hanggang sa bumibili na din ako. Kaya lang ngayun medyo nakasawaan ko na. hehehe! Paminsan minsan na lang ako gumawa. I'm a new follower! Have a nice week!

    ReplyDelete
  9. been here and followed...
    rolynjane54.blogspot.com :)

    ReplyDelete
  10. Rona my badge ka?Penge ako ng code, add kita sa site ko.thanks

    ReplyDelete

Magreact ka lang!