Sep 19, 2011

Naranasan Mo Na Bang Mapahiya?

Hello, kumusta kayo? Eto ako ngayon, nagpapahinga ulit dito sa'king pahingahang blog site. 
Ang topic ko ngayon ay isang di malilimutang karanasan. Kuwentong sumasariwa sa mga alaala ko nung high school student pa ako. At eto nga ang aking pinaka-nakakahiyang karanasan ko. Nakakahiya noon ngunit nakakatuwa nang alalahanin ngayon. Hihi

Nasa Second year ako noon. Ang aming school ay mayroong isang napakalawak na tinatawag naming 'quadrangle'. Ito'y iyong malaking space sa gitna ng aming school. Siyempre, bilang isang high school, sa murang edad na yon, nagsisimula na din yung pagiging kiyeme o yung self-consciousness na tinatawag. At ako'y ganuon. Nagsisimula ako nung magdalaga. Ang nakakahiya lang ay nung minsang sa quadrangle ako dumaan kasi I was running late sa Values Education Subject ko.

Tumatakbo ako nang maramdaman kong may parang nag-click sa bandang bewang ko. Tumigil ako sandali, nang tignan ko na lang ang sarili kong nahubaran na pala ko! Ung zipper pala ng skirt ko ang nag-pop! Waah! Nakakahiya, diba? Naka-underwear lang ako nun kaya imagine na lang ano hitsura ko nun. Haha! Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Buti ba kung walang nakakita. E lahat yata ng bintana ng classrooms at nakasilip sa quadrangle. Nakita ako ng best friend ko at tumakbo for my rescue. Haha! Well ang ginawa ko na lang, patay malisya na parang walang nangyari pagpasok ko ng classroom 

Ikaw? May karanasan ka din ba na di malilimutan? Kung meron, ishare mo dito. ;)
Photobucket

10 comments:

  1. nakakahiya nga ang mga ganyang karanasan... buti may sense of learning na rin yan.. heheh.. salamat pala sa pagfollow :)

    ReplyDelete
  2. buti nalang nasa presence of mind ka, anyways may naalala tuloy ako nung highschool ako, si kuya kiko just visiting!

    ReplyDelete
  3. heehee hmm ako may ganyang experience
    nung highschool din
    masaya kaming pababa ng hagdan tas nalaglag ako, paluhod
    e break time pa naman un ng section sa harap nung staircase
    aun wasak ako e
    tinginan silang lahat hehehe :)

    Dumadalaw din kasi dinalaw mo ako :) Heehee lalagay din kita sa blog roll ko teh. Salamat marami~

    ReplyDelete
  4. buti na lang andun si bespren to the rescue!

    ReplyDelete
  5. Bakit di ko alam un?..hahaha absent ba ko? ay hindi kasi ung second year nun nasa hilera pa ng rain forest.. malamang third year at first year ang nakasaksi sayo

    ReplyDelete
  6. Hehehehehehhe nakakatuwa naman hehehehehe sana andun rin ako hehehehe. Ang hindi ko makakalimutan ay ang nahuli ako ng titser na umiihi sa likod ng classroom nung high school ako tinuloy ko pa rin sabi ko na lang Ma'am ihing ihi na ako eh. hehehehehe

    ReplyDelete
  7. natawa ko heheh.. aba kung ganon ang mangyayari sa akin, baka umuwi na lang ako ang nagpalipas ng tatlong araw bago muling pumasok.

    magandang araw po :)

    ReplyDelete
  8. dami kong nakakahiyang experience sa dami at sa nakakahiya nga talaga eh nakalimutan ko na! wahahhaa! binaon sa limot! lels lang

    ReplyDelete
  9. i already experienced that many times..

    hey i followed u follow me too.
    good am

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
anak asawa at home ka dito await award na natanggap awit baby plans bagyong Pedring baha bakasyon balikong pananagalog Bata Bata Paano Ka Ginawa batang lansangan bathing ministry batutay bayad online Bicol bidang bida ang tawas birthday blog designing blogger blogger hot seat blogger of the year blogkada ang sasagot buhay titser Cabanatuan City Carlo Aquino casio piano chikahan comedy cute fonts damuhan damuhan.com di malilimutang karanasan di na bata disappointed dismayado DJ Chacha dumplings earn online fan signs farm gladliness grace graduation happiness Hawak Kamay cover hektik iskedyul Hualien ina inaantok japeyk nga ba? joy kabusyhan kahihiyan kahilingan kaibigan kaibigang tunay komedyang pang-priskul kuwento kuwentuhan kwentong bakasyon libreng badge lugar na Poracay ang pangalan mabisang gamot sa singaw magulang maraming tenk you masamang pakiramdam meme movie review munting pakulo munting pangarap mylot mylot earnings napahiya ningning opinyon original designs pagkain pakulo ni bino palatandaan ng antok pamamalat pampaputi ng kili-kili panaginip pananaw paraan ng pagkuha ng pasaporte pasaporte Pasko paypal pelikulang Pinoy piano pictures Pilipinas playing piano Porac Pampanga Poracay Poracay Resort Pork barrel scam PR2 praybeyt benjamin radio station repleksyon requirements para sa passport application sahod sakit sapatos scrapbook designs Serena Dalrymple si lelang at si bunso sikat simbahan sine singing street children sunshine blog award survey ni Ning tagalog Taiwan talento tambayan 101.9 tawang wagas tawas teleserye tofu traditional costume tricycle capital of the Philippines tulog ubo vice ganda Vilma Santos walang gana wednesday whites
 

Rona's Home Blog Copyright 2011 Designed by Rona