Sep 29, 2011

Wala Ka Pang Badge? Gagawan Kita!

Nitong mga nakaraang araw ay na-inlove ako sa mga scrapbook designs na meron sa net. Sa aking pagka-inlove ay nagtry na din ako gumawa ng sarili kong designs at nakita ko na lang ang sarili kong nagdodownload ng lahat ng pwede kong madownload na free digital scrapbook materials online! At eto ang mga nagawa ko so far.
(Kung napapansin nyo, ito na ang aking header sa blog site na ito.)
I-click upang lumaki ang larawan
(Hihi. Ako yan nung 4 years old ako. Ang cute ko noh? Entry sa Meme na Mellow Yellow Monday!)

Nag-enjoy akong gawin ang mga ito kung kaya mas lalo pa kong naiinspire na gumawa pa ng marami!

Dahil sa malapit nang magbente (yehey!) ang followers ko dito, gusto kong mag-offer ng badge making sa inyo na wala pang mga badges. Huwag mag-alala dahil ito ay LIBRE. Ang sarap pakinggan noh? Libre kasi. Kung kaya, kung wala ka pang badge na display sa iyong site, pwede kitang gawan for FREE!

 Ang mauunang lima (5) ang aking mga gagawan ng BADGE sa APAT na kondisyon:

UNA: I-follow lamang ako sa mga sites ko. (kung follower ka na, great!)
PANGALAWA: Mag-comment nang may buong husay (hehe) sa kahit ano mang entry ko dito.
PANGATLO: Iwanan siyempre and iyong BLOG URL upang doon ko ibabase ang design ng badge mo.
At PANGHULI: Mag-thank you (naman!) dito sa blog post na ito. 

So, mauna ka na! Lima lamang ang aking gagawan ng badge!

God bless sa ating lahat!

Photobucket

Sep 28, 2011

Na-trap sa Gitna ng Baha

Nasa Manila kami ng asawa ko mula nung Linggo. Nagpasya kaming huwag munang umuwi dahil may inasikaso kami kahapon. Kaninang umaga pa sana kami uuwi dito sa Cavite nang malaman naming baha ang halos buong TAFT. Nasa condominium kami nagstay (pag-aari ng aming ninong sa kasal) sa Ermita, Manila at sa ika-22ng palapag ang unit nito. Paggising namin, tumingin kami sa ibaba, at wala kaming nakitang street na hindi baha. Lahat ng daan ay may tubig at hanggang hita ng mga naglalakad. Wala ding makitang moving vehicle man lang. Halos parang nung panahon ni Ondoy ang aming nasilayan.  

Dahil sa gutom, naisip naming kumain muna sa Robinsons Ermita (isang tawid lang mula sa condominium na pinag-isteyhan namin). Kung kaya, bumaba kami at inisip namin kung bababa ba kami ng hagdan dahil nga sa walang kuryente, buti na lang may isang elevator na pwedeng gamitin na pinapagana ng generator. Ang nakakatakot lang umuuga na ang elevator sa di malamang dahilan. Bawat palapag tumitigil at sa takot pakiramdam ko babagsak kami hanggang ground floor. OMG! Buti na lang at nakababa kami nang safe. Ilang steps lang sana papuntang Rob pero ito ang aming nakita. 

Okey na sana na kahit lusubin namin ang bahang to, yun lang napakalakas ng hangin at running water pa yang bahang yan. Nagdecide na lang kaming maghintay hanggang humupa ang hangin at baha, at nagtiyagang kumain ng chocolate at tuna dahil yun lang ang stock meron sa bahay. Nakalabas kami ng condo bandang 6:30 na ng gabi at kumain sa ministop ng sandwich na wala pa ding kuryente. Nilusob ang baha at nakasakay din ng bus pauwi nang bandang alas nuwebe na. At eto ko ngayon, nagbablog na dito sa komportable naming tahanan. Salamat sa Diyos at nakauwi kami nang matiwasay.

Ang prayer ko ay makaalis na ang Bagyong Pedring na yan. Sana ay okey lang din kayo sa inyong mga bahay. Ismayl!
Photobucket

Sep 24, 2011

Nagsasakit-sakitan?

Kumusta mga kapuso, kapamilya, kapatid, kablog? Ilang araw na din akong walang post kahit sa mga iba ko pang blogs. Wala din akong naisulat nitong nakaraang araw sa Triond kung saan ay kumikita nako kahit papano. Masama kasi ang pakiramdam ko, wala namang lagnat pero I just really don't feel well. Siguro dahil sa buwanang dalaw kaya mabigat ang pakiramdam. Ang totoo, dahil sa sakit ng dalaw na to, nakahiga lang ako ng buong araw at hindi ko kayang gumalaw. Buti na lang at napakabait ng asawa ko, siya na ang nagkusang magluto at ipaghanda ako ng pagkain. Nagtry din akong mag-online kanina pero talagang wala ako sa mood. 

Kayo kumusta naman? Sana ay okay lang kayo at walang anumang sakit. Well, bumabalik na ulit ang energy ko. Bukas ay Linggo kaya busy ulit sa church. 

Maligayang araw and have a blessed Sunday tomorrow everyone!

Kuwentuhan tayo ulit pagbalik ko! Kita kits!
Photobucket

Sep 19, 2011

Naranasan Mo Na Bang Mapahiya?

Hello, kumusta kayo? Eto ako ngayon, nagpapahinga ulit dito sa'king pahingahang blog site. 
Ang topic ko ngayon ay isang di malilimutang karanasan. Kuwentong sumasariwa sa mga alaala ko nung high school student pa ako. At eto nga ang aking pinaka-nakakahiyang karanasan ko. Nakakahiya noon ngunit nakakatuwa nang alalahanin ngayon. Hihi

Nasa Second year ako noon. Ang aming school ay mayroong isang napakalawak na tinatawag naming 'quadrangle'. Ito'y iyong malaking space sa gitna ng aming school. Siyempre, bilang isang high school, sa murang edad na yon, nagsisimula na din yung pagiging kiyeme o yung self-consciousness na tinatawag. At ako'y ganuon. Nagsisimula ako nung magdalaga. Ang nakakahiya lang ay nung minsang sa quadrangle ako dumaan kasi I was running late sa Values Education Subject ko.

Tumatakbo ako nang maramdaman kong may parang nag-click sa bandang bewang ko. Tumigil ako sandali, nang tignan ko na lang ang sarili kong nahubaran na pala ko! Ung zipper pala ng skirt ko ang nag-pop! Waah! Nakakahiya, diba? Naka-underwear lang ako nun kaya imagine na lang ano hitsura ko nun. Haha! Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Buti ba kung walang nakakita. E lahat yata ng bintana ng classrooms at nakasilip sa quadrangle. Nakita ako ng best friend ko at tumakbo for my rescue. Haha! Well ang ginawa ko na lang, patay malisya na parang walang nangyari pagpasok ko ng classroom 

Ikaw? May karanasan ka din ba na di malilimutan? Kung meron, ishare mo dito. ;)
Photobucket

Sep 18, 2011

At Home Ako Dito!

Hello sa inyo!

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako gumawa nito, well, dahil gusto ko lang magkaroon naman ng blog gamit ang Tagalog. Namiss ko kasi ang magsulat ng Tagalog. At mainam din ang ipagmalaki ang sariling atin, di ba? Kaya eto, ginawa ko 'to para naman mag-enjoy din akong magsulat sa sarili kong wika. Magkukuwento ako ng mga pangyayari sa buhay buhay ko dito, kasama na mga karanasan, pag-ibig, kuro-kuro at kung anu ano pa. Dito, alam kong mag-eenjoy ako. Kaya kung ikaw, gusto mo kong salihan, at home ka din dito, magkuwentuhan tayo.


Asahan n'yong updated ang blog na'to palagi dahil mas masarap pa din magsulat nang Tagalog na hindi nai-istress kakaisip kung tama o mali ang grammar. Magiging pahingahan ko ito pagka gusto kong maaliw-aliw muna kakasulat sa mga iba ko pang blogs. Writer kasi ako sa Triond at duon kumikita na din kahit papano, isama pa dyan ang tatlong iba ko pang blog dito sa Blogger. 

O pano? Umaasa ako sa kuwentuhan natin. Siguraduhing maraming baong bagong kuwento sa pagbisita nyo nang mag-chikahan tayo.

Sa uulitin!

Ningning/Ronadelle

PS: Tawagin nyo na lang akong Ningning pagka nandito tayo sa At Home kong blog. Yan kasi ang palayaw na binigay ng nanay ko sakin. Oo, alam ko, hindi na bagay sa edad ko pero mahal ko pa din ang tawaging Ningning at diyan sa pangalan na yan ako mas kilala ng mga malalapit sakin. ;)


A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...